Chapter 31 - Sudden changes

233 27 31
                                    


*H E L L....*




<<<<Port hole opened>>>>




Lucifer's POV





Iniluwal kami ni Gabriel ng aking port hole sa tapat mismo ng aking palasiyo.






"Be ready..." seryoso kong tugon kay Gabriel habang sinusuroy namin ang bahabang tulay patawid sa dulo.





Habang nag lalakad ay pansin kong balisa si Gabriel at hindi mapakali kaya pumaling ako sa kaniya. "Anong problema? Hindi ka sanay sa init?! Psh!" pabiro ko pang tanong.




Tinitigan niya lang ako ng masama sabay umiwas. "Tss.. Alam mong pinagbabawal kaming pumunta dito! Nanghihina kami sa lugar mo, alam mo 'yan! Ako pa talaga ang sinama mo!" reklamo niya.






"May dahilan kung bakit ikaw ang sinama ko. H'wag ka munang mag reklamo diyan dahil malalaman mo rin mamaya." sagot ko at pagkatapos ay pinagpatuloy ang aming paglalakad.




Bago namin marating ang pinakadulo ay napahinto ako noong mapansin ang isang bagay. May bahid ng parang nasunog sa simento akong nakita at ang haba ng kaniyang laki. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong harang at ang tanging makakagawa lamang nito ay si Momo.




May mga bahid ng dugo din akong nakita sa bawat sulok at noong nag lakad pa kami ng konte ay muli akong naphinto. Nanlaki ang mga mata namin ni Gabriel nang masilayan ang mga nakatangkas-tangkas na katawan sa tabi.




Ito ay ang aking mga kawal sa palasiyo. Siguradong nakipaglaban sila at pilit dinipensahan ang kahari-an. Napakuyom ako sa galit dahil nasisigurado kong si Niel ang may kagagawan nito noong kinuha niya ang aking trono. Doon na kami nag madali ni Gabriel na pumasok.





Kapansin-pansin din na walang nagbabantay dito. Walang ni isang alagad na nagbabantay sa malaking pintu-an.




"Wala na sila dito!" saad ni Gabriel dahilan para ma pa iling ako sa inis.




Tsk!! Hindi namin sila naabutan! Ibig sabihin ay na sa lupa na sila ngayon!





Pag bukas ko ng malaking pinto ay mas lalo pa akong nagulantang sa mga katawan na nagkalat. May mga bungo ng tao, mga nagkalat na kagamitan at ang baho!! Ang dungis!!! Mga lintik binaboy talaga nila ang palasiyo ko!!





"MOMOOOOOOO!!!!" biglang sigaw ko na siyang sumakop sa buong silid. "MOMOOOOOO!!! Nasaan ka?!!"





Hindi nag tagal ay may narinig kaming mga yapak na nagmamadaling makarating sa amin. Agad kaming nag handa ni Gabriel sa kung anong pwedeng mangyare.




Hanggang sa lumantad sa harap namin ang dalawang nilalang.





"M--My K--King!" Saad ng isa sabay luhod noong makilala ako.




Mga alagad ko sila sa kulongan. Kasama sila sa mga tauhan namin para mapanatiling maayos ang kulongan ng mga makasalanan!




"Nag balik k--ka na, Panginoon!!" Sabi din ng isa sabay lapit sa harap ko at lumuhod.





Hinawakan niya ang paa ako at nagsimulang umiyak!




"Patawad! Hindi namin sila kaya!" saad niya kaya kumunot ang noo ko. "S--Sinubukan namin lumaban ngunit papatayin nila si Master Momo! Patawad panginoon! PATAWAD!!" sigaw niya.




Hybrid's &quot;L U C I O U S&quot; (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon