Chapter 29 - Fixing the Odd's

262 26 40
                                    

*H E L L....*





3rd Person's POV






"AHHHHHHHRRRR!!!!! MGA WALANG KWENTAAAAA!!!" galit na sigaw ni Sataniel sabay pinatihaya niya ang malaking lamesa. "I've waited long enough!! BAKIT HINDI NIYO MA PATAY-PATAY ANG MORTAL NA'YON?!"






Sa harap niya ay ang kaniyang Heneral na si Arazeth at sa tabi niya naman ay si Leviathan.





"Ma'Lord... May pomoprotekta sa kaniya sa lupa. Nand'on si Samyaza at may arkanghel na na iwan doon." paliwanag naman ni Arazeth.






"Bakit hindi nila unahin ang anghel at si Samyaza?!" (Santaniel)






"Sammy is a skilled warrior, Ma'Lord. At ang Arkanghel na sinasabi ko ay si Gabriel. Isa sa mga mandirigma ni Arren. They should not be taken lightly." (Leviathan)





"Wala akong pakialam!!" singit ni Sataniel sabay dahan-dahang nag tungo sa balkonahe ng palasiyo. "Tingnan niyo ang aking mga mandirigma! Naka handa na sila... Iyon nalang ang hinihintay natin hindi niyo pa magawa?!"





Agad napatingin sina Arazeth at Leviathan sa labas ng balkonahe. Tumambad sa kanila ang sandamakmak na mga mandirigmang iniinsayo ni Sataniel sa hindi pa malaman na balak.





"Kailangan natin makapunta sa mundo ng mga tao! Gawin niyo kung ano ang nararapat! Dalawang buwan na ang lumipas pero ni isa ay wala manlang kayong napatay doon!" tugon ni Sataniel sabay tingin sa dalawa. "Levi... You should go there! Ikaw ang inaatasan kong tatapos sa babae! H'wag kang bumalik dito kung hindi mo dala ang kaniyang ulo!" seryosong dagdag nito.





Agad nag tinginan sina Arazeth at Leviathan. Parang may pag-alinlangan sa kanilang mga mukha pero wala silang magagawa.





"Masusunod panginoon." naka yukong sagot ni Leviathan. "Pero paano ako maka punta doon, Panginoon? Sarado na ang lagusan, wala nang makakadaan sa—"






"Ask the gate keeper." naka ngising singit ni Sataniel. "Sigurado akong may alam 'yan." dagdag niya.







"AMILIAAAAAA!!!" buong lakas na sigaw ni Sataniel. "Bring me wine, my love!!" kunot noong dagdag nito.




Ilang sandali pa ay lumabas sa isang silid si Amilia. She's wearing ang thin silky red dress na agad nag pangisi kay Sataniel. She also has a golden chain in her neck connected to her ankles. Hindi siya espesiyal dito, dahil si Amilia ay bihag ni Sataniel!







Agad napatingin sina Arazeth at Leviathan sa kaniya na may halong awa sa kanilang mga mata.






"Lapit ka mahal ko..." (Sataniel)






Walang emosiyon siyang lumapit kay Sataniel na may dalang bungo ng tao at agad sinalinan ng wine. Bago pa ito inabot ni Sataniel ay hinalikan niya muna si Amilia. Agad nanamang tumulo ang mga luha ni Amilia at napasinghap ito ng wala sa oras.






"Ma'Lord!!" biglang sumingit si Leviathan para mahinto lang ang kaniyang ginagawa.






"Tsk! Ano pa ang ginagawa mo dito?! ALIS NA!!" bulayaw niya kay Leviathan dahilan para yumuko ulit ito.








"P--Patawad... Sige po!" (Leviathan)







Bago pa siya tuloyang umalis ay sumulyap pa siya kay Amilia na ngayo'y naka titig din sa kaniya. Kitang-kita niya sa mga mata ni Amilia ang hirap na dinadanas niya ngayon ngunit wala rin silang magawa.





Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon