2 DAY'S LATER.....
3rd Person's POV
"Nandito na ba lahat?" (Lucifer)
"Si Ariel nalang ang hinihintay." (Arren)
Nagpupulong ngayon ang mga natitirang anghel kasama si Lucifer at Samyaza. Sa dalawang araw na lumipas ay may hinaharap silang banta sa mga tauhan ni Sataniel na pa isa-isang lumalabas sa port hole.
"Tawagin niyo siya, hindi ako pwedeng tumagal dito, walang kasama si Eve sa bahay niya. At.... At alam niyo naman..." nag aalinlangang saad ni Lucifer.
Ngumiti lang si Arren sabay paling kay Gabriel. "Gab, call him now!"
Tumango agad si Gabriel pinikit ang kaniyang mga mata.
"Uumpisahan ko na, sabihan niyo nalang si Ariel mamaya." panimula ni Lucifer at agad naging seryoso ang mukha niya. "Satan's Men are already here! Hindi ko alam kung paano sila naka punta dito pero nagawa naming pigilan ang lima sa kanila kahapon." napahinto siya at napakapit sa pagitan ng kaniyang ilong. "At alam nilang buntis si Evelyn!" dagdag niya dahilan para magulat si Arren.
"This is bad..." saad naman ni Arren.
"Yeah..." (Lucifer)
"What's your plan?" (Arren)
"Nag iisip pa ako. Pinoproblema ko pa ngayon ang pagbubuntis ni Eve. Dalawang araw palang ang lumipas simula noong bumalik ako pero ang bilis talaga lumaki ng tiyan niya." (Lucifer)
"Lu, she's a human. Hindi ito magiging madali sa kaniya. Lumalaki ang bata bawat araw kaya nahihirapan ang katawan niya mag adjust." (Arren)
"P--Paano mo ba nalaman ang mga 'to?" (Lucifer)
Agad pumaling si Arren kay Gabriel na naka talikod. "Ganiyan din daw ang nangyare sa kabiyak niyang si Nika. Dalawang buwang nag hirap si Nika bago niya isinilang ang kanilang anak. Hindi madali pero mabilis." saad niya sabay balik ng tingin kay Lucifer. "You should ask him for tips."
"Psh! Tips... Baka mag away lang kami niyan! Eve and i can manage, don't worry." (Lucifer)
Muling napangiti si Arren at na pa iling.
"Parang may laman 'yang ngiti mo na'yan ah?!" tanong ni Lucifer habang sinisingkitan siya ng tingin.
"Hahaha! Nothing...hanggang ngayon kasi hindi pa ako maka get over sa nangyare." naka ngising saad ni Arren.
"Psh! Anong magagawa ko eh ako ang ma—"
"MY PROBLEMA NANAMAN TAYO!!" biglang sumingit si Gabriel at halata sa mukha niya ang pag-aalala.
"Ano nanaman?!" (Lucifer)
"Si Ariel at Caspian ay nakikipaglaban ngayon sa kabilang dulo ng lungsod!" Napahinto siya at pumaling kay Arren. "Ma'Lord, may gustong kumausap sa'yo, pero kailangan natin pumunta sa Mt. Suthra." dagdag ni Gabriel.
Agad tumayo si Arren at inayos ang kaniyang sarili. "Sige, tulongan muna natin sina Ariel at Caspian. Pagkatapos ay—"

BINABASA MO ANG
Hybrid's "L U C I O U S" (completed)
FantasyDuring the war against a big threat that endangered the world of men, Lucifer made a choice and arose from the depths of hell and fought side by side with his brother Arren to defeat the great concurer Cain. After a glorious victory, Lucifer returne...