Lucious c38 - Beautiful in white

225 31 34
                                        




Lucifer's POV



Nasaan ako?! Bakit ang dilim?? Bakit wala akong ibang nakikita dito kundi puro kadiliman?? Patay na ba ako?!


Ilang sandali pa ay may narinig akong isang patak ng tubig. Sobrang lakas na akala ko'y na sa loob ako ng isang banga at malapit na itong mapupuno.



At sa bawat patak ay may lumilitaw na larawan sa aking harapan. Larawan ito ng aking sarili at simula pa ito sa mga unang kapanahonan.




"WHAT IS THIS?!" sigaw ko.



Nag eecho lang ang aking boses ngunit ni isang tinig ay wala akong naririnig.



Habang patuloy na lumalabas ang mga larawan ay unti-unti nitong pinapakita sa akin ang lahat ng mga kasalanan na aking nagawa. Simula pa noong unang digmaan at hanggang sa ngayon.




"ANO 'TOOOOOOO?!!" muli kong sigaw na siyang sumakop sa buong lugar kung saan man ako.





Hindi nag tagal ay may napansin akong anino. Isang hugis tao na anino at naglalakad ito sa gitna ng mga larawan. Hanggang sa huminto siya at pagkatapos ay unti-unti ko nang nasisilayan ang kaniyang mukha.



"Lucifer...." naka ngisi niyang sambit.



Paano nangyare 'to?! Bakit ko kaharap ang sarili ko?! Isa lang siguro itong panaginip.




"Tigilan mo na 'to! Binabalaan kita!" Galit kong saad dahilan para mas lalo pa siyang napangisi.




"You are in my world now, Lucifer." panimula niya sabay turo ng mga larawan sa taas ng kaniyang ulo. "This is me!!" muling saad niya sabay tingin din siya sa mga larawan. "This is me inside you! Bakit mo'ko pinipigilan makalabas?" dagdag niya kaya napakunot ang noo ko.




"Pinagsasabe mo?!" reklamo ko pa.



"I'm your HATE...your ANGER..your PAIN! I'm every bit of yourself, Lucifer!" muling saad niya kaya napatingin ulit ako sa mga larawan.



Lahat ng mga nakikita ko dito ay puro kasamaan. Lahat ng mga makasalanang nagawa ko simula pa noong una ay nandito ngayon naka lantad sa harap ko!





"Now i'm in control! Let me finish what you've started, hayaan mong hawakan ko muna ang katawan mo!" saad niya.




"Sa tingin mo hahayaan ko 'yon?!" singit ko naman. "Tama na...ihinto mo na ang—"




"Iniwan ka na ng mga taong mahalaga sa'yo!" Singit niya. "Lahat ng mga taong nag tiwala sa'yo ay wala na. Ngayon...nag-iisa kananaman!"



"HINDI!! HINDI 'YAN TOTOO!!" sigaw ko pero hindi manlang siya nagulat.




"You loose, Lucifer!! You'll always loose and you will never..... Be accepted of what we are! Just like in the past....."





Bigla akong natahimik. Hindi ko alam pero bakit parang may bigla pumasok sa isip ko na sobrang pamilyar lalong-lalo na dahil sa sinabi niya.




"Just like in the past...."

"Just like in the past...."

"Just like in the past...."

"Just like in the past...."




Parang pa ulit-ulit ko itong naririnig kaya dahil d'on ay napakapit ako sa aking ulo.



Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon