Chapter 14 - Unexpected Visitor

208 27 17
                                    



Eve's POV



*1 week later...*




Isang linggo na ang lumipas pero bakit parang kahapon lang nangyare ang lahat?



Bawat gising ko ay hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Parang pa ulit-ulit kong naririnig ang mga huli niyang sinabi sa'kin...




"You're destined to someone else, and not to a devil like me....."




Sh*t!! I really hate it kapag na aalala ko na naman! Wala akong pakialam kung kanino ako naka tadhana, kahit sino pa 'yan.... Anong magagawa ko 'e siya ang gusto ko?! Uughhh!!! Nakakainis lang isispin!




Napakaselfish niya!! Sobrang selfish and unfair!! Basta-basta nalang siyang mag didesisyon na itigil na daw kung ano man ang meron sa'min?! At isa pa... Since when daw did he said that he liked me?!! Like duuuhhh???!! So obvious kaya!! Kaya nga ako kinikilig sa kaniya noon dahil kahit hindi niya sinasabi 'e ramdam na ramdam ko eh!! Ang sabihin niya... DUWAG lang talaga siya!! Sobrang duwag dahil hindi niya masabi ang tunay niyang nararamdaman! Tsk!!




"Chef?"



"WHAT?!!" pasigaw kong sagot sa kasamahan kong kusinero. "Tsk! Uh--sorry..." bigla kong bawi noong mapansin siyang nagulat sa sigaw ko.




"K--Kape niyo po." nag aalinlangan niyang saad sabay lapag ng kape sa lamesa ko.




Sa isang linggong lumipas ay araw-araw akong nag papapuyat para lang pag dating ng bahay ay makakatulog na agad ako! Gusto ko pag dating d'on, higa nalang at tulog dahil kapag gising pa ang diwa ko ay ma aalala ko nanaman ang lintik na Lucifer na'yon!




Lalo pa na wala na ang kaniyang marka, i can't feel him anymore! Hindi ko na siya nararamdaman sa tuwing malapit siya sa akin. Minsan na papraning ako at iniisip na baka nandiyan lang siya sa paligid at nag mamasid. Sinasadiya ko talaga na umuwi ng gabi para lang mag papansin sa kaniya na baka mag alala siya tapos papagalitan niya ako katulad ng dati! As in ang tanga ko na talaga! Na iinis na ako sa sarili ko! Pero ano nga kasi ang magagawa ko?! Eh siya nga ang laman lintik kong puso't isip eh!!




Gabi-gabi akong nag dadasal sa kaniya, Gabi-gabi akong nag babakasakali na pakinggan niya ako at puntahan niya ako sa bahay para kausapin pero wala talaga! Ang tigas talaga ng puso niya, oh kung meron man siyang puso! Sh*t kasi siya! Kakainis!


Hindi ako mahilig mag mura pero t*ngina talaga!! Nakakainis ang ginagawa niya sa'kin sarap sumigaw lintik!



"Chef?"



"ANO NANAMAN?!!" pasigaw ko nanamang sagot, at ngayon sa waiter naman namin.




"S--Sorry chef p--pero may nag hahanap po sa inyo.." pa utal at nag aalinlangan niyang sagot.



Napayuko ako at humugot ng buntong hininga para ikalma ang aking sarili, tsaka siya hinarap.



"J--Joe, sorry... Uh--Sige lalabas nalang ako." kalmado kong sagot tsaka inayos ang aking sarili.



Pag labas ko ng aking opisina ay pansin kong biglang nag sipaggalawan ang mga kasamahan ko sa kusina. Napahinto pa ako para tingnan silang kunwari may ginagawa pero halatang binabantayan nila ako. Tss!



Pag labas ko ng dining ay agad kong namataan ang isang lalake na naka upong naka talikod. Hugis palang ng ulo niya at tindig ng katawan ay nakilala ko na.




Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon