-Park by the view-
Eve's POV
"Careful, Lucy!! Slowly! Uhh--Lucious!! Hey, teka, that's not food!! Wait!"
Wahhhhh!! Tama nga si Lulubear, hindi biro ang mag bantay sa kambal na mag-isa, HAHAHAHA! Pero nag eenjoy ako. Araw-araw na kami ngayon magkasama. Kahit nakakapagod pero kapag makita ko silang masaya ay nakakagaan na rin sa pakiramdam. I only held them once noong ipinanganak ko pa sila, kaya ngayon susulitin ko talaga ang bawat araw na kasama sila. Lahat ng tawa, hagikhik, at palambing nila ay sobrang nakakawala ng pagod. The unli kisses and hugs are so heartwarming. I've never been so happy, Ito na nga siguro ang sinasabi nilang life's fulfilment. Na achieve ko na ang goal ko sa buhay, ang magkaroon ng sariling pamilya.
Napatingin ako sa magandang view dito sa park, kung saan makikita ang kagandahan ng ilog na sinisikatan ng palubog na araw. Akala ko hindi ko na ito masisilayan pa. Laking pasasalamat ko sa puong may kapal dahil binigyan niya pa ako ng isa pang pagkakataon na makamit ito kasama ang aking pamilya. Rather than that, wala nang mas nakakaproud pa kundi si Lulubear. I can't imagine the hardship he's been through without me. Raising this two adorable kids in his own, the loneliness, at kung paano siya nag adjust para lang alagaan ang kambal, grabe... I'm really proud of him.
At least ngayon may katuwang na siya sa kambal. Kaya nandito kami ngayon, i gave him a day off! Hahahaa! Sabi ko ako na muna ang papasyal sa kanila, leaving him in the house just to rest for a day. And speaking of our house.... Walang pinagkaiba pa rin ito simula noong huling ala-ala ko. Maliban nalang sa pagpapa-extend niya ng isang kwarto para sa dalawa. Pero lahat ng gamit, arrangements, kahit mga damit ko ay hindi manlang nangamoy luma. Sabi niya linggo-linggo daw ay pinapalabhan niya ito gamit ang dati ko pang fabric softener para daw gan'on pa rin ang amoy. Nakakatouch talaga! Huhuhu.
At ang kama ko, gan'on na gan'on pa rin ang itsura noong iniwan ko ito. Nangiyak-ngiyak ako noong malamang ni minsan ay hindi siya natulog d'on dahil mamimiss niya lang daw ako. Hindi ko rin ma imagine na for the past five years ay sa silya siya natutulog kaharap ang mga bata tuwing gabi, huhuhu!
At ang pinakagusto ko sa pagbabago niya ay marunong na siyang mag luto, Hahaha! Simula noong bumalik ako ay maaga pa siyang nagigising para lutu-an kami ng breakfast. Nakakataba ng puso, jusko! Malinis na ang bahay, naka ready na ang mga laru-an ng kambal para ikakalat nanaman sa buong magdamag, hahaha! Alam na alam niya na kasi ang routine ng kambal kaya siya na ang nag aadjust, hahaha!
Mabuti nga ngayon mediyo hindi na sila na iilang sa'kin. Hindi katulad noong unang dating ko sa bahay.
*Flashback*
<<<<Port hole opened>>>>
Hawak kamay kami ni Lucifer na lumabas sa port hole, at masasabi kong ang bilis na nang pag kabog ng aking dibidb. Sa labas palang ng bahay ay naririnig ko na ang kanilang mga tawanan. Noong papalapit kami sa pinto ay agad kong namataan ang isang batang babae na naka pony tail ang buhok at isang batang lalake na may hawak na super hero toy sa kamay.
"Pffft!" sambit ko sabay tabon ng aking bibig dahil ang haba ng buhok niya at naka tali pa ito.
Agad akong napatingin kay Lucifer habang may namumuong luha sa aking mga mata.
"M--My god, pati buhok kuhang-kuha niya na sa'yo." naka ngiti kong saad kay Lucifer.
Napakamot lang ito sa kilay sabay na unang binuksan ang pinto. Pag pasok niya ay agad silang nag sigawan.

BINABASA MO ANG
Hybrid's "L U C I O U S" (completed)
FantasyDuring the war against a big threat that endangered the world of men, Lucifer made a choice and arose from the depths of hell and fought side by side with his brother Arren to defeat the great concurer Cain. After a glorious victory, Lucifer returne...