Lucifer's POV
"ANONG GINAGAWA MO?!" Sigaw ng lalakeng kamukha ko. Hindi ko alam pero noong dumating ang aking anak na babae at si Eve ay basta nanaman akong napunta dito sa madilim na silid na tanging ang lalakeng kamukha ko lamang ang aking nakikita. "BAKIT MO HINAHAYAANG MALINLANG KA NANAMAN NG MGA-"
"Tama na!" Seryoso kong singit sa kaniya. "Pagod na akong magalit sa mga bagay na wala namang dahilan!"
"Walang dahilan?! Hindi mo pa ba na iintindihan?! Tinanggal nila ang ala-ala mo! Tinago nila ang-"
"Tinago nila dahil may rason sila!" singit ko ulit sabay hugot ng buntong hininga. "At ito na ang rason nila ngayon, SILA! kung sino ang mga na sa harap ko!"
"A--ANO?!"
Ngayon siya na sa aming dalawa ang nanggigigil. Siya na ang natataranta, at nagagalit.
"Alam kong galit ka, ikaw ang galit at puot ko. Ikaw ang sumpang ibinigay sa'kin ni Ama. PERO HINDI IKAW ANG NAGMAMAY-ARI NG KATAWAN KO!" napahinto ako at tinitigan siya ng seryoso. "But now....i need you to listen to me!"
"Psh! Walang mapapala ang pagiging malambot mo, Lucifer! Kailangan mo pa rin ako! Darating ang panahon na lalabas ulit ako para-"
"LISTEN....TO ME NOOOOOOW!!!!" galit kong sigaw dahilan para matahimik siya. "I am grateful for what you did to be honest." saad ko kaya nagulat naman siya. "Dahil kung wala ka baka hindi natin natalo ang mga kalaban, but now the war is over. IT'S ALL OVER!! I need to take care of my family now." dagdag ko sabay talikod sa kaniya.
"Time will come, Lucifer...That You will be needing me again!" Pahabol niyang sigaw kaya napatagilid ako para tingnan siya.
"I know...but i promise you.... you will never take over my body AGAIN!" huling habilin ko bago ko tuloyang pinikit ang aking mga mata.
*B A T T L E F I E L D*
"Uugghh!!! Aaahhrrr!!!" Ungol ko noong makaramdam ng pag kalma sa aking buong katawan.
Pakiramdam ko ngayon ay sobrang gaan ng aking katawan. Na parang may nawalang napakabigat sa aking dibdib na hindi ko kanina kayang ma kontrol. Maluwag na ngayon ang aking pag hinga, kalmado na aking utak, at wala na akong naririnig na boses sa aking isipan.
At noong mapatingin ako sa aking mga kamay ay agad nandilat ang aking mga mata. Bumalik na ito sa normal!! Mabilis din akong napahawak sa aking mukha at sa ibang parti ng aking katawan.
"Y--Your back!! Hahahaa!! Bumalik ka na sa dati!!" Naka ngiting sigaw ni Eve sabay takbo at niyakap ako tsaka pinaulanan ako ng halik.
"T--Teka...Evelyn! Tsk! Ang dumi-dumi ko pa! Aray! Evelyn!!" reklamo ko pero hindi niya manlang pinansin.
"Pa!!" sigaw naman ni Lucy at agad din lumapit sa'kin. At noong makaharap niya ta talaga si Eve ay agad itong na ilang. "H--Hello po, Ma." saad nito.
"Teka nga sandali...sino ba siya, Lulubear?" Kunot noong tanong ni Eve kaya napayuko ako.
"She's your daughter, Dear..." sagot ko dahilan para mambilog ang mga mata niya.
"P--Paano nangyare 'yon?! Di-" (Eve)
"Pa!!"
Agad naman akong napatingin sa malayo dahil sa may sumigaw at akay-akay ito ni Marcus.

BINABASA MO ANG
Hybrid's "L U C I O U S" (completed)
FantasyDuring the war against a big threat that endangered the world of men, Lucifer made a choice and arose from the depths of hell and fought side by side with his brother Arren to defeat the great concurer Cain. After a glorious victory, Lucifer returne...