Chapter 19 - Niel

241 30 63
                                    

Shannon's POV




"Eve?!! Evelyn!!! Eve, buksan mo'tong pinto!!"





Dalawang linggo na si Eve hindi lumalabas ng kaniyang bahay. Hindi na daw siya pumapasok sabi ni Adam sa'kin, kaya pinuntahan ko na talaga siya sa bahay niya. Hindi ko alam kung anong nangyare noong araw na pumunta siya ng ospital pero alam kong may problema siyang hindi niya kayang ayusin ngayon.






Kilala ko ang aking kaibigan, hindi ito mag kukulong kung simpleng problema lang ang kaniyang hinaharap. Kinaya nga niyang itaguyod ang sarili noon na mag-isa kaya sigurado akong may matinde siyang rason.






"Evelyn, ano ba?! Kung hindi mo bubuksan 'to sisira-in ko'tong pinto mo?!!" muli kong sigaw. As if kaya kong sira-in, malay ko baka makinig siya.





Ilang minuto pa akong nag hintay, ilang beses ko pang kinalampag ang pinto niya, ang ibang mga taong dumadaan ay napapatingin na sa'kin, bwisit!






"EVELYN!!!! Nakakahiya na!!!"






Akma ko nanaman sanang kalampagin ang pinto niya pero laking gulat ko nalang noong bigla itong bumukas!






"Oh sh*t!" sambit ko noong makita ang itsura niya.





Mukhang hindi lang siya dalawang linggo nawala, parang dalawang taon dahil sa gulo ng buhok niya! Ang itim ng mga eyebags niya at ang putla niya sobra! Halatang hindi pa siya nasisikatan ng araw. Mukhang hindi rin siya nag papalit ng damit, parang nag movie marathon tapos isang sakong popcorn ang kaniyang na ubos sa dami ng mantsa sa kaniyang maluwag na t-shirt.





"What the he—"






"What do you want, Sha?" walang emosiyon niyang singit sa'kin sabay talikod.






"Sis! Hey teka!" sagot ko sabay sinundan siya sa loob.





And hello?! Bahay ba 'to 'o bahay ng kalapati? Ang daming kalat, grabe! Kung saan-saan nalang naka sampay ang mga damit niya, ang daming mga plastic ng chitchirya sa sahig, mga soft drinks cans, mga butil ng mani, at isama mo pa 'yung mga pinggan at platito na pinaggamitan niya na parang dalawang linggo na rin na hindi nahuhugasan!





"Oh my god! What happened here?!" saad ko habang pasimpleng sinisipa ang naka kumpol niyang mga labahan sa gilid.





"Ano ba kasi ang kailangan mo, Sha?!" kunot noo niyang sagot.







"Oh my god, is that a rat?!!"






"SHA!!!" biglang sigaw niya kaya nagulat ako. "Wala akong panahon makipagbiru-an ngayon. So please lang, kung walang kang sasabihin, umalis ka nal—"






"Anong nangyayare dito?!" inis kong singit sa kaniya. "Anong nangyayare sa'yo?! Dalawang linggo, sis? Dalawang linggo ka na palang nag mumukmok dito tapos hindi ko manlang alam?! I thought busy kalang sa work mo, kung hindi ako kinausap ni Adam siguro hanggang ngayon wala pa rin akong alam!This is not you! " dagdag ko.





Tahimik lang siyang naka titig sa akin tapos ilang sandali pa ay laking gulat ko nalang nang may tumulong luha sa kaniyang mga mata!






"Oh? Hey! Anong nangyare? Sorry, nagalit ka ba sa sinabi ko?!" pag panic ko pero ni isang reaksiyon ay wala akong nakita mula kay Eve.





Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon