"Ayan na sila!" Nasa labas pa lang kami rinig ko na ang sigaw ni Bry nang makita kaming naglalakad papasok ng bahay.
Pagkabukas nila ng pinto agad kong ipinakuha ang first aid kit.
"K-kumusta kayo? Wala namang masakit sainyo?" Alalang tanong ni Lairen.
"Hindi mo ba nakikita may pasa si Veon sa mata? Sa tingin mo hindi masakit 'yan? Nagpakuha nga ng first aid kit 'di ba?" Pabalang na sagot naman ni Kyel.
"Sanay na si Veon sa pasa kaya alam kong kaya n'ya ang sakit-" Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Lairen tinakpan bigla ni Perrianne ang bibig n'ya.
"Alam n'yo? Matagal na?" Nanlaki ang mata nilang lima sa narinig mula kay kuya.
"A-ano kasi kuya...." Halatang kinakabahan sumagot si Bry dahil sa nginig ng boses n'ya at nanginginig n'yang kamay.
"Okay lang. Alam ko na and naiintindihan ko kayo." Muling nanlaki ang mga mata nila tsaka sa wakas ay nakahinga na ng maluwag.
Nagpunta sa kusina sina Ailey, Perrianne, Lairen at Kyel para maghanda ng makakain. Nakakagutom makipag away sa totoo lang hahahaha.
Bumungad sa amin ni Bry ang mga sugat at pasa sa katawan ni kuya nang hubarin n'ya ang polo na suot n'ya.
"Susmaryosep kuya! Ang dami naman n'yan! Dalhin ka na namin sa hospital mukhang masakit 'yan! Baka mapaano ka pa-" Napatayo pa si Bry sa sobrang alala.
Daig pa ako mag alala.
Hinwakan ni kuya si Bry sa balikat at sinabing, "Bry, Kuya is fine." Buti naman bumalik s'ya sa pagiging kalmado.
Binuksan ko ang first aid kit tapos nilinis ko tsaka nilagyan ng ointment ang mga sugat n'ya. Maya maya s'ya naman ang naggamot ng akin.
"Veon, Bakit daw? Sino amo? Anong kailangan?" Sunod sunod ba tanong ni Perianne.
"Hindi nakasagot bigla na lang tumakbo."
"Ano ba 'yan baka balikan ka ng mga 'yon." Alalang sabi ni Lairen.
"'Wag na muna natin sila isipin. Ang unahin natin pag aayos ng gamit natin para sa flight."
"Speaking of flight, mag ayos na kayo ng mga gamit n'yo, 'yung mga pinamili n'yo nung nakaraan ipack 'nyo na para wala na tayong iintindihin pag alis." Paalala ko sa kanila. Baka kasi kung kailan kami paalis doon pa lang sila mag ayos at magkagulo.
Nang tapos nang gamutin ang sugat ni kuya nagsipagpahinga na kami dahil sobrang napagod kami ngayong araw na 'to.
꧁꧂
BINABASA MO ANG
PERFECT TIMING//on-going
Teen FictionPerfect timing? Maybe not? //taglish// Pub date: May 12, 2020