d i s i o t s o

17 1 9
                                    

"So, ano na gagawin natin ngayon?" Ailey asked out of nowhere.

Nakahiga kami ngayon sa lapag habang nakatingin sa kisame. Napaisip din ako sa tanong ni Ailey, Ano na nga bang gagawin namin ngayon? as in right now. Mga tatlong araw na kaming tengga dito sa bahay.

"아 몰라." (Ah, I don't know.) I murmured then turn to the otherside.

Nagring ang phone ko na naging dahilan para umupo ako.

Kuya Roici is calling...

Makikichismis na naman 'to si Kuya.

"왜요?" (Why?) Straight to the point kong sagot.

[Bunsoooooo! Kumusta contract signing? Binasa n'yo ba mabuti 'yung contract? Baka naman pirma lang kayo ng pirma ha!] Sabi na nga ba makikichismis lang 'to.

"Oo naman binasa namin ano ba tingin mo sa amin tanga? HAHAHA joke lang. Okay na tapos na contract signing and we are now in the middle of wondering kung anong gagawin namin ngayon."

[Bakit hindi kayo mag sayaw? I mean magpractice kayo. Magsayaw kayo ng iba't ibang choreo para magamay n'yo mga moves 'di ba? O kaya naman magpractice na rin kayo nung sa vocals. Magkakanta kayo ganoon.] Eto may pakinabang din talaga minsan.

"Good idea, Kuya. Sige bye na!"

[Byebye! Ingat palagi mwah!] Then he was the one who ended the call.

"Sino 'yon?" Tanong ni Perrianne.

"Si Kuya Roici."

"Anong sabi?"

"Nagsuggest ng gagawin. Mag sayaw daw tayo as training or kanta as vocal training."

"Oh that's actually a good idea." Lia commented.

Tumayo si Kyel, "Ano pa inaantay n'yo tara na!"

Ayaw naman namin tumunganga na lang ulit dito buong maghapon kasi nga para kaming namotivate dahil sa nangyaring contract signing kanina. Nagsitayo na kami, Nagpalit ng damit, lumabas ng bahay at sumakay na sa sasakyan.

"Li-yon tawagan mo muna 'yung COO or text baka magulat sila may tao na bigla sa studio nila." Eto na naman si Bry sa pagtawag sa akin ng ng kung ano-anong nickname. Eto na naman s'ya sa Li-yon. Sabi n'ya tinatawag n'ya akong "Li-yon" minsan kapag gusto n'ya kasi raw Veon sounds like Liyon na animal and napakatapang ko raw lalo na paggalit lol.

"Stop calling me "Li-yon". I don't like it although it sounds good and why are you asking me to call the COO eh ako nagdadrive 'di ba? gusto mo bang mabangga tayo ng 'di oras?" Tumawa lang s'ya and said "Oo nga pala."

Si Ailey na ang tumawag since lahat naman kami may contact number ng COO. Wala pa kasi kaming manager and so what ever kaya mismong COO pati secretary n'ya pa lang ang kaya naming kontakin pero dahil bida bida kami sa COO na mismo HAHAHA.

"Ayan nakapagpaalam na ako, Sige lang daw." Ailey said.

"Drop by tayo sa 7/11!!!" Nabigla kami nang sumigaw si Kyel. I guess she saw the 7/11 nearby because I can see it too.

"Don't shout!!!" Sigaw din ni Perrianne. Nabitawan n'ya kasi ang phone n'ya sa gulat.

Nagstop kami sa 7/11 kagaya ng sabi ni Kyel, Gusto ko rin naman kasi mag 7/11 parang gugutumin ako sa sayaw mamaya.

"Bilisan n'yo lang ha." Bilin ko sa kanila bago magsibaba ng sasakyan.

Kan'ya kan'ya kaming kuha ng mga gustong kainin at inumin. Pagdating sa counter tahimik kaming nagbayad tapos bumalik na ulit sa kotse.

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon