s y e t e

41 3 0
                                    


"J-jervin?"

Paanong...

"I followed you." I gave him a confused look.

Mind reader din ba 'to?

"Why?"

"Tinawagan ako ni Kuya Roici at sinabi sa'kin na sundan ka para makasigurado s'yang walang mangyayaring masama sa'yo." Pinaandar n'ya na ang kotse pero nakatingin pa rin ako sa kan'ya.

Bakit naman iniisip ni kuya na may mangyayari sa'kin?

"Sinabi mo ba kay Kuya Roici 'yung nakita mo noong kumain tayo pag katapos ng concert?" Tumingin na'ko sa kalsada.

"No." 

"Okay good."

Habang nakatitig ako sa daan napansin kong papunta sa bahay ko 'tong tinatahak namin. Buti naman.

Pagdating namin sa harap ng bahay lumabas agad ako ng sasakyan at dumeretcho ng pasok sa loob ng bahay.

"Hoy ano 'yun ha?"

"갑자기야!" (You startled me!) Muntik na 'kong mapatalon sa gulat nang biglang magsalita si Perrianne na nasa likod ko pala.

"Anong ano 'yon? Bulag ka ba?" Natawa sila Ailey, Bry, Kyel at Lairen na nasa likod n'ya rin.

"'Sus. Si Jervin 'yun ah, bakit ka n'ya hinatid? Akala ko ba si Weiz ang nag aya sa'yo?"

Kailan pa naging reporter 'to?

"Si Weiz nga." Simpleng sagot ko.

"Oh eh bakit si Jervin nag-uwi sa'yo?" Taas kilay na tanong ni Kyel.

"Pinasundo lang ako ni kuya Roici kay Jervin kasi may nangyaring hindi maganda sa pagitan namin ni Weiz. 'Wag ka na magselos Kyel sayong-sayo na 'yang Jervin mo, hindi ko aagawin." Naupo ako sofa at kumuha ng pagkainkain na nasa coffee table.

"Anong hindi magandang nangyari sa pagitan n'yo?" Excited na tanong ni Bry matapos umupo sa tabi ko.

"Nag-away kayo?" Tanong din ni Ailey.

Mga chismosa talaga 'to.

"Magsi upo kayo, ikukwento sainyo mga chismosa." Naupo naman agad ang mga gaga sa tabi ko.

"Umamin sa'kin si Weiz—" Nabitin sa hangin ang sinasabi ko nang bigla silang magsalita lahat

"Omg!" -Lairen

"Hala!!" -Ailey

"Tinanggap mo ba?!" -Perrianne

"Ano sabi mo?!" -Kyel

These kiddos don't know what happened to me 5 years ago.

"Nagsasalita ako 'di ba? Hindi pa kasi ako tapos, teka lang." Habang gulat na gulat 'yung apat napansin kong sumeryoso ang mukha ni Bry.

Alam n'ya kasi.

"Sabi n'ya high school pa lang daw may gusto na s'ya sa'kin but he can't find the right timing para umamin pero dahil nandito na raw ako hindi na n'ya maitago pa feelings n'ya," Uminom ako ng tubig bago magpatuloy sa pagsasalita.

"I rejected him." Nagulat na naman sila sa sinabi ko.

"Bakit?" Inosenteng tanong ni Ailey.

"I don't feel the same way."

"Hala nasaktan siguro si papa pogi." Napailing na lang ako sa narinig ko mula kay Lairen.

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon