k a t o r s e

23 2 8
                                    

Ngayon, pababa na kami ng bundok. Nasa kalagitnaan na kami nang huminto sila Kyel at Perrianne. Pagdating ko sa harap nila ay huminto rin ako upang tanungin sila, "Bakit? Pagod na ba kayo?" Nang makitang huminto kami nagsihinto rin silang lahat para na rin makapagpahinga.

"Let's take a rest na muna tutal naka kalahati na naman tayo." Hindi ko alam bakit pero talagang cinareer na ni Kuya Jorzel ang pagiging conyo. 'Yung pagiging conyo n'ya kasi nakakainis ng slight HAHAHA pero ok lang kami rin naman minsan.

"This is unforgettable." Lahat kami napatingin kay Kuya Vero na nakaupo sa ibang malaking bato at nakatalikod sa amin.

"Sure it is." Kuya Reov answered.

"It's kinda cringy but I'm gonna miss this." Wow, hearing it from Perrianne? really? nagiging expressive na s'ya ngayon ha. infairness.

"Me too." -Kyel.

"Same here. ang saya saya ko dahil naranasan ko 'yung ganito." I thought Ailey was going to cry but luckily she didn't.

"Kung pwede lang na hindi na lang matapos 'tong araw na 'to hays." 'Yan din ang nasa isip ko kagabi, Lai.

"Sana pala hindi na lang tayo nagpahinga nagsipag drama pa kayo. Babalik tayo rito 'wag kayong magalala. Hindi ba, Veon?" Tinignan ako ni Bry na parang sure na s'ya na makakabalik kaming muli rito agad agad.

"Yeah, of course." I fix my shoe lace as I agree to her.

"We'll do this again when you comeback here, Girls." Tumayo na si Kuya Jeo at Kuya Jorzel kaya nagsitayo na rin kami para magpatuloy sa pagbaba ng bundok.

Napansin ko lang na mula kagabi hindi nagsasalita si Kuya Roici masyado. Hindi n'ya rin ako kinakausap o nilalapitan man lang. Galit pa rin yata s'ya saakin. Well, hindi ko naman s'ya masisisi dahil naglihim ako sakanila. Isang kuya ko pa lang ang hindi pumapansin sa'kin mabigat na sa pakiramdam paano ko pa kaya kakayanin kung silang dalawa na.

Habang naglalakad pa rin kami ay may biglang umakbay saakin. "Bunso, I will miss you." Nilingon ko ang mukha ng Kuya Vero, it makes me feel more guilty kapag nakikita ko ang mukha ni kuya.

"Ako rin naman," I took a deep breath before saying my next words, "Kuya, paano kung magsinungaling sa'yo 'yung taong pinakamamahal mo?" Napahinto s'ya saglit sa paglalakad at napatingin sa'kin na para bang jinajudge ako.

"Teka, may bago ka na bang boyfriend?" Sa tanong n'ya ako naman ang napahinto saglit.

"Wala ah! what kind of question is that, brother. Gaya nga ng sabi ko kanina, alam niyo namang lahat na hindi pa ako totally nakaka move on tapos itatanong mo sa akin kung may bago na akong boyfriend?" He just laughed to what I've said.

"I know, I'm just kidding. Pero bakit mo natanong 'yan?"

"Wala lang, sagutin mo na lang."

"Depende sa laki ng kasalanan n'ya kung papatawarin ko s'ya o hindi. Kung maliit lang naman, okay lang pero kung malaki hindi ko alam, siguro matatagalan."

Tumango tango na lamang ako sa sinabi n'ya. Sa kaso ko feeling ko matatagalan s'ya na patawarin ako. Siya kasi 'yung tipo ng tao na mabilis magpatawad pero kung talagang malaki o hindi n'ya gusto ang kalasanan mo nako po magdasal ka na sa lahat ng santong kilala mo kung gusto mo pang magusap kayo ulit.

Nang makarating kami sa paanan ng bundok kung saan naka park ang mga sasakyan namin nagsisakay agad kami at umuwi upang makapagpahinga.

Habang nakahilata kami rito lahat sa sala biglang nagsalita si Ailey, "Bukas uuwi na tayo, back to reality." Sumunod na nagsalita si Lairen, "Parang ayoko pang umuwi." Napabuntong hininga na lang kami sa mga sinabi nila. Totoo naman ayaw pa naming umuwi kasi back to reality na kami, magsisipag hanap na ulit kami ng part-time job kasi ayaw pa naming mag full time dahil inaayos na namin ang music namin na hopefully may kahinatnan.

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon