Nagtext sa 'kin kanina ang mga loka-loka kong kaibigan 9pm na raw sila nakauwi kasi nagkape pa raw sila. Tignan mo nga naman hindi na nga ako sinabay kumain hindi pa ako sinama magkape lol umalis na kasi ako agad after ng shoot dahil 2hrs din ang byahe at dahil hindi pa 'ko kumakain, naisipan kong magstop sa isang malapit na 7/11.
Kumuha ako ng isang cup noodles, isang sandwich at isang tubig. Pagkatapos ko magbayad naupo ako sa isang bakanteng upuan na nasa gilid ng bintana. Dito rin ako naupo para tanaw ko ang sasakyan ko sa labas.
Habang kumakain ako naisipan kong ilabas ang phone ko, pinicturan ko ang kinakain ko tapos ay pinost ko ito sa ig story ko-mahilig talaga ako magstory 'wag na kayo magtaka hahaha-Bilang hawak ko na rin naman na ang phone ko naisipan ko na ring icheck kung may sinend na si Kuya na Performance nila, 10pm na kasi baka yari na sila usually 7-9pm ang performances nila.
May sinend nga s'yang link, pinindot ko 'yon then lumabas ang isang video performance na 5 minutes long. Mukhang galing sa audience perspective ang video, malinaw naman ang video pero ang audio nga lang ay puro sigaw.
"Kung hindi ako magiging kasing galing ng mga kuya ko o mas magaling pa sa kanila bakit pa 'ko pumasok sa mundo ng performing 'di ba?, kahihiyan." Mangha kong sabi sa kalagitnaan ng performance nila kung saan maraming pasabog ang naganap.
Matatapos ko na akong kumain pati na rin ang pinapanood ko pero may nagpop up sa phone ko mula sa ig. 'JB0-0 mentioned you in their story'. Sa pagkakaalala ko s'ya 'yung palaging nauuna magview ng mga stories ko sa lahat ng social media ko which is a little bit creepy.
'Yung picture na kakastory ko lang inistory n'ya rin na may caption na 'Anong klaseng pagkain 'yan? sa tingin mo ba healthy 'yan?' Napangiwi na lang ako ng bahagya. Dahil sa caption n'ya duda na tuloy ako na baka isa sa mga kuya ko 'to pero kung isa s'ya man s'ya sa mga kuya, bakit hindi s'ya nagpapakilala 'di ba? wala namang sense kung susubaybayan nila ako gamit ang isang account tapos hindi sila magpapakilala.
Hindi ko na lang pinansin. tumayo na ako at nagtungo na sa ospital.
"Excuse me, Saan po ang room ni Elwin Lopez?" Tanong ko sa nurse na nasa information desk.
"210 po, Maam. Second floor." Nginitian ko na lang s'ya tapos umakyat na 'ko.
Pag-akyat ko sa 'di kalayuan natanaw ko ang room 210 kaya naman pinuntahan ko ito. Kumatok ako nang tatlong beses tsaka ko pinihit ang doorknob para bumukas, pagpasok ko sa kwarto napatingin sa 'kin ang isang babae na sa tingin ko ay may edad na, "Sino ka Hija? kaano-ano mo si Elwin?" Bungad n'yang tanong.
"Kaibigan n'ya po ako." Tumayo s'ya at lumapit sa 'kin, "Ah ganoon ba? sige halika, tuloy ka." Ibinigayan n'ya ako ng space sa inuupuan n'ya kaya naman naupo ako.
"Ilang araw na po s'ya rito?" Tanong ko.
"Mag iisang linggo na. Okay naman na s'ya, kailangan na lang ng pahinga. Sa isang araw pwede na s'yang lumabas sabi ng doktor." Kung titignan ang kalagayan n'ya hindi naman na masyadong malala, hindi naman s'ya naka oxygen o kahit ano pero may mga sugat ang mukha n'ya pati na rin ang katawan, bugbog sarado kung baga kaya siguro kailangan n'ya magstay dito. Sakto pagkatapos n'ya magsalita nagising naman si Elwin, "Tita, Paki iwan muna kami." Tumayo s'ya at sinunod ang sinabi ni Elwin.
"Hindi ko inaasahan na ngayon ka talaga pupunta. Long time no see, Trsky." Sumulyap ang ngiti sa kan'yang namumutlang labi.
"Kahit papaano may puso naman ako. Kumusta ka na? and by the way don't call me 'Trsky' unless nasa underground tayo." Hindi ko na masyadong gustong tinatawag na Trsky kasi ang daming ala-ala ang bumabalik plus baka may makarinig, bigla na lang akong saksakin 'di ba.
BINABASA MO ANG
PERFECT TIMING//on-going
Fiksi RemajaPerfect timing? Maybe not? //taglish// Pub date: May 12, 2020