u n o

95 5 2
                                    

꧁VEON SKYNA꧂

From: Kuya Vero
빨리와! (Hurry up!)

"Bry tawagan mo na nga sila Kyel paki sabi bilisan galit na si Kuya baka malate raw tayo!" Sigaw ko kay Brynae mula sa kwarto ko dahil nasa sala na s'ya at ready na.

Kinuha ko na ang maleta pati backpack ko tsaka lumabas.

"Tinawagan mo na ba?" Umupo ako sa sofa at sinuot ang sapatos ko.

"Oo tapos na raw sila. Inaantay na lang tayo." Nilabas na n'ya ang mga maleta namin, sumunod naman ako.

Dumating na ang binook naming grab kaya lumabas na kami ng apartment.

Lumabas din agad 'yung driver nung nakitang marami kaming dala para tulungan kaming ikarga ang mga gamit namin.

"Bry paki tawagan mo nga ulit sila sabihin mo papunta na tayo ng airport." Nakita kong vinideo call n'ya si Perrianne.

Inabot n'ya sa'kin ang phone n'ya, "Ikaw naman kumausap oh"

"'Langya ako rin pala kakausap" Kinuha ko ang phone at sumagot naman agad si Perrianne.

Hinarap ko ang camera sa'kin pero nakapatay 'yung sa kan'ya,
"Hoy Perriane nakasakay na kami. Papunta na kami ng airport dali dalian n'yo ha galit na si Kuya. Gate 2 tayo. Dalian n'yo, ingat."

[Paalis na rin kami. Sige bye ingat.]

Pinatay ko ang tawag at binalik kay Bry ang phone n'ya.

"Grabe naman Kuya mo madaling madali 'teh." Tumawa s'ya ng malakas kaya naman binatukan ko s'ya

"Baliw! baka kasi malate tayo sa mismong event nila patay ako roon nasa akin pa naman mga gamit n'ya na importante malilintikan din ako sa manager n'ya pag nagkataon." Kinuha ko ang phone ko para tinignan ang mga messages ko.

10+ messages from Kuya Vero. Shems.

From: Kuya Vero
야!!! (Hey!!!)

From: Kuya Vero
야! 빨리와 !!! (Hey! Faster!!!)

Madaling madali ka talaga ghorl?

Napangiwi ako sa mga messages nya. Ano ba akala n'ya pinepedicab lang ang Pinas pa South Korea? Myghad.

To: Kuya Vero
기다려주세요 (Please wait)

Sa sobrang focus ko sa phone ko bahagya akong nagulat nang kalabitin ako ni Bry.

Tinignan ko s'ya, "Bakit?"

Ngumiti s'ya ng nakakaloko, "Pre may speaker oh hehehe" Tinuro n'ya ang speaker sa likod ng upuan.

Napaisip ako, "Ano naman?"

Kinalabit naman n'ya 'yung driver at sinabing, "Kuya pa-connect naman po ako sa speaker n'yo."

Wtf

"Hoy kapal naman ng mukha mo." Saad ko sabay tumawa kami ng malakas.

Pina connect naman s'ya ni Manong driver. Na sana hindi na lang n'ya ginawa.

Now playing: Memories
By: Maroon5

Here's to the ones that we got
Cheers to the wish you were here, but you're not
Cause the drinks bring back all the memories
Of everything we've been through
Toast to the ones here today
Toast to the ones that we lost on the way
Cause the drinks bring back all the memories
And the memories bring back, memories bring back you

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon