s a i s

30 3 0
                                        

"Veon, ano na? akala ko ba itatanong mo kung pwede tayo magpractice rito?" Bulong sa'kin ni Ailey.

"Atat ka ghorl? Ikaw na kaya magsabi?" Inirapan n'ya lang ako.

Kanina pa kasi kami nandito mag iisang oras na rin.

Kanina pagkatapos namin kumain nagpahinga kami tapos pinakita saamin ni Kuya Jeo pati na rin ni Kuya Jorzel 'yung sayaw na ginagawa nila and it's so freaking cool.

Ngayon naman ay dinudugtungan nila 'yun ngang sayaw na ginagawa nila habang kami ng mga kaibigan ko nanonood lang at nagkukwentuhan dahil hindi pa 'ko makakuha ng tyempo para magpaalam.

Si Jervin naman nagphophone lang mula kanina.

Maya maya pa ay naupo sila sa tabi ni Jervin at uminom ng tubig. Siguro napagod na kakagiling lol.

Lumapit ako sa kanila, "Mga kuya, may ipapaalam sana ako sa inyo." Panimula ko.

"What is it? Go ahead, tell us." Sambit ni Kuya Jeo tsaka humarap silang dalawa sa'kin.

Huminga ako ng malalim, "May pinapractice kasi kami na choreo, tatanong ko lang kung pwede ba kami magpractice rito habang nandito kami sa Korea."

Mukhang nacurios sila sa sinabi ko, kaya humarap sila ng maayos sa'kin, "Choreo for what?" simpleng tanong ni Kuya Jorzel.

"For our song." Casual kong sagot.

"SONG?! YOU GUYS MAKE SONGS? HOW? WHEN? WHERE?" Gulat na gulat na sabi ni Kuya Jorzel.

Lumapit sila Ailey, Bry, Lairen, Perrianne at Kyel kaya agad ko silang binulungan na sabihin na namin kila Kuya Jeo, Kuya Jorzel at Jervin 'yung mga ginawa namin baka sakaling matulungan kami.

"Let me explain it to you." Panimula ni Lairen.

Ayan na lumalabas na pagkaenglishera n'ya pft.

"Yes, explain it please." Mahinahong sabi ni Kuya Jeo. Buti pa 'to chill lang si Kuya Jorzel akala mo may kaaway sa kanto eh.

"I started to create songs when I was in highschool pero tinatago ko lang mga gawa ko kasi my parents told me to focus on studying and stop writing songs so, I did but naging friend ko si Bry at nalaman kong she's interested in songs tapos her friend Veon really loves making choreography so, sinabi ko sa kan'ya na that would be perfect then we met Ailey, Perrianne and Kyel who's also into music then we became friends, I gave them three of my works, we record them and Veon created a choreo for it but we haven't finished the dance for the last song." Pagkatapos ikwento ni Lairen ang buong buhay n'ya hinabol n'ya agad ang hininga n'ya dahil sa bilis n'ya mag salita.

Biglang tumawa ng malakas si Bry, "Grabe ka magkwento, Lai hindi humihinga muntik ka na magviolet." Medyo natawa rin ako kasi totoo naman.

"Well, That was cool. I'm surprised that our Veon and Bry are also into music." Natatawang sabi ni Kuya Jorzel tapos ay ginulo ang buhok namin ni Bry.

"We are surrounded by party people. Sino ba namang hindi mahahatak ng music." Natatawa ko ring sagot tapos inayos ko ang buhok ko ganoon din ang ginawa ni Bry.

"Of course, You can practice here. Just call me pag pupunta kayo rito para makatulong din kami minsan." Saad ni Kuya Jeo tapos nginitian n'ya kami.

"I agree with Jeo hyung." Nagsasalita rin pala 'tong si Jervin akala ko nalunok na n'ya sarili n'yang dila eh.

"Me too." Pahabol ni Kuya Jorzel.

"Pwede ba naming marinig 'yung mga kanta?" Hindi lang s'ya nagsalita nagrequest pa.

Nagtinginan kami at nagtanguan sign na payag kami kaya naman nilabas ko na ang phone ko at pinarinig sa kanila ang mga kanta.

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon