Tahimik lang akong nagdadrive kasi medyo inaantok ako ang aga ko kasi nagising bwisit.
"Hoy inaantok ka???" High pitch na sigaw sa'kin ni Bry. Sa tenga ko pa.
"Oo, Putcha 'Wag mo'kong sigawan! Hindi ko kayo ibabangga kaya ko mag drive kahit nakapikit kaya manahimik ka jaan at matulog!"
"Init ng ulo, Veon ah dahil ba 'yan sa sinabi ni Kyel kanina?" Eto talagang si Perrianne hindi ako titigilan sa pagshiship n'ya saamin ni Jervin.
"Perrianne, ewan ko sayo! Matulog ka na lang din!" Asar kong sabi.
"Bakit, Veon crush mo si Jervin ko?" Oh waw paniwalain oh.
"Hindi. Sa'yong sa'yo na 'yang Jervin mo."
"Walang sulutan ng crush." Natawa kami sa sinabi n'ya. Akala mo talaga aagawan ng crush amp.
Pagdating namin sa bahay bagsak ako sa kama dahil pagod kakamaneho tsaka aga ko talaga nagising. Nakakainis bakit kasi ako nagising ng ganoong oras.
Hindi pa 'ko nahihimbing ng tulog may naririnig na 'kong mga paa na tumatakbo, maya maya bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Ano?" Alam ko namang sila lang lima 'to.
"Veon, lalabas lang kami ha? Tutal wala naman tayong gagawin magshoshopping muna kami ng mga damit." Paalam ni Ailey.
"Ge." Agad silang nagsitakbo paalis nang marinig ang pagapruba ko.
꧁꧂
Nakaupo ako sa sofa sa sala ko habang nanonood ng kung ano ano sa tv nang biglang magring ang phone kong nakapatong sa ibabaw ng center table dahilan para abutin ko ito. Tinignan ko kung sinong talipandas ang tumatawag.
Kuya Kel is calling...
Si Kuya Kel pala akala ko isa sa mga kaibigan ko na parang naligaw na yata sa tagal.
"Hello?" Medyo nilayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa ingay na naririnig ko sa kabilang linya.
[Nasaan na kayo? Magsisimula na tayo mag practice daliaan n'yo.] Sasagot pa lang ako pero bigla nang naputol ang tawag.
Tignan mo 'tong si Kuya Kel. Bastos kausap. Sa kan'ya talaga ako nagmana eh hahaha.
Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa kanila na magbaback up dancer kami kila kuya.
Dinial ko ang number ni Perrianne.
[Bakit ka tumawag?]
"Hindi pa ba kayo tapos mag shopping? Baka nabili n'yo na pati mga building jaan." Napakatagal kasi nakatulog, nagising at nakanood na 'ko ng kung ano ano pero wala pa rin sila.
[Tapos na kami. Pauwi na kami hintay ka lang jaan.] Ano ba 'to ang ingay din sa kanila. Hindi ako naniniwalang pauwi na 'tong mga 'to.
"'Wag mo'kong pinagloloko, Perrianne Pabiana. Sa dance studio nila kuya na kayo dumeretcho magbaback up dancer tayo sa kanila para sa performance nila next week. Dalian n'yo late na tayo." Binabaan ko agad sila ng phone para dalian nila.
Nagtungo ako sa kwarto ko para magpalit ng damit bago pumunta sa studio.
꧁꧂
"Ow you're here na! We were waiting for you kanina pa eh." bati sa'kin ni Kuya Jorzel pagdating ko sa building.

BINABASA MO ANG
PERFECT TIMING//on-going
Ficção AdolescentePerfect timing? Maybe not? //taglish// Pub date: May 12, 2020