"ARE YOU GUYS READDDDDYYY?!" Malakas na sigaw ni Kuya Jorzel na nag echo sa buong paligid dahil nandito na kami sa aakyatin naming bundok.
"YESSSSSSSS! LET'S GOOOOOO!" Sigaw din ang isinagot sa kan'ya ng aming mga kasama.
Hindi ko alam kung ginawa ba ng mga hikers na mag stretching bago mag simula mag lakad? Pinagstretching kasi kami ni Kuya Reov.
"Just follow my lead, we will reach our destination, safely." Biglang naging pang tour guide ang boses ni Kuya Jorzel.
Naakyat na raw kasi n'ya 'to dati kaya alam na n'ya ang daan pero kaming lahat ay first time mag camping kasama ang friends.
Nagsimula na kaming maglakad paakyat para maaga kaming makarating at makapag set-up ng mga gamit.
"Ang tahimik n'yo naman. Hindi naman kayo mamamatay pagnagsalita kayo habang naglalakad." Natawa kami ng bahagya sa sinabi ni Kuya Jorzel. Daldal talaga.
"Mamaya na lang tayo magkwentuhan kapag may bonfire para mas exciting. Mag focus muna tayo sa nilalakaran natin." Mahinhing sabi ni Kuya Reov.
Tama nga naman. Mamaya na lang, mas masaya magkwentuhan sa harap ng bonfire.
30 minutes ang makalipas biglang huminto si Kuya Vero kaya napahinto rin kaming lahat.
"Oh bakit ka huminto, Kuya?" Tanong sa kan'ya ni Kuya Roici na nasa likod n'ya lang.
Inilabas n'ya ang phone n'ya sabay sabing, "Ang ganda ng view. Tara mag picture tayo!"
Nagsilapit kami sa kan'ya upang magkas'ya kami sa frame. Nang makakuha na ng magandang group selfie nagpatuloy na kaming muli sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tuktok.
Pagdating na pagdating namin nagsiupo agad kami dahil sa pagod at sakit ng paa.
"Una, itayo muna natin 'yung mga tent natin tapos tsaka tayo magluto ng pagkain." Nanguna na si Kuya Jeiq magtayo ng tent nila kagaya ng sinabi n'ya.
"Hindi ba pwedeng pagkain muna? Nagugutom na 'ko haba ng nilakad natin." Reklamo ni Kuya Jorzel.
"Oo nga naman, Hyung." Pagsang ayon ni Kuya Jeo.
"Itayo nga muna natin 'to para hindi na tayo mahirapan mamaya. Panigurado namang hindi kayo magsisikilos mamaya pag busog na kayo." Tama naman si Juya Jeiq.
"'Wag na kayo makulit unahin na natin 'to, saglit lang naman 'to ayusin. Palibhasa may mga dragon kayong alaga jaan sa tyan n'yo." Nagtawanan ang lahat ng sinabi ni Kuya Kel. Siraulo talaga 'to hahahaha.
Tumayo na rin ako para ayusin ang tent namin kasi alam ko namang walang alam masyado sa gan'to mga kaibigan ko.
"Tulungan kita, Veon." Kinuha ni Ailey ang kabilang dulo ng tent pero masyado itong malaki, hindi namin kaya na dalawa kaya tinwag ko 'yung apat.
"Perrianne, Kyel, Bry, Lairen, 'wag feeling special tulungan n'yo kami rito."
"Yes, Boss." -Lairen
"Eto naman nagpapahinga lang eh." -Kyel
"'Di makapaghintay, kotongan kita jaan." -Bry
"Hina n'yo naman." -Perrianne.
"Daming say. Tara na kayo rito." Nagsitayo na sila at lumapit saamin.
Nang natapos na kami sa pagtatayo ng tent ay nagluto na si Kuya Jeiq, Kuya Roici, Jervin, at Kuya Kel ng makakain namin. May dala kasi kaming ihawan pati nga isda dala namin.
BINABASA MO ANG
PERFECT TIMING//on-going
Fiksi RemajaPerfect timing? Maybe not? //taglish// Pub date: May 12, 2020