b e n t e

12 1 5
                                    

"Left 'yung nakataas, Ailey." Kasalukuyan kaming nandito sa dance studio nang kumpanya. Tinuturo ni Lai kay Ailey 'yung mga part na hindi n'ya pa masyadong gamay at nagkakamali s'ya.

Si Bry kumakanta-kanta ng mga kanta namin habang si Perrianne, Kyel at ako na mga dakilang tamad, naka upo lang kami tapos kung hindi magpphone, papanoorin 'yung tatlong may ginagawa.

Maya maya tumabi sa akin si Perrianne na sa tingin ko ay may kailangan. "Veon, Naalala ko may isang part sa sayaw na hindi ko ma gets? Baka naman turuan mo pa 'ko." 'Di ba? sabi ko na.

Nang marinig ni Kyel ang sinabi ni Perrianne agad n'yang binitawan ang kan'yang phone tsaka lumapit sa akin sabay lingkis sa braso ko.

"Ako rinnnn!" Inalis ko ang pagkakalingkis sa akin ni Kyel, "Paano kung ayoko?" Pabiro kong tanong sa kanilang dalawa ngunit bigla nila akong hinila patayo, "Nakatayo ka na oh, game na." Hindi na ako umalma, pumwesto na lang ako sa harap nila.

After an hour okay na silang tatlo, kabisado na nila lahat and clear na rin kaya naisipan naming magpractice lahat. Meron nang sayaw ang tatlo naming kanta kaya mabuti na rin na magpractice nang magpractice para naman hindi magbuhol-buhol ang mga choreo sa utak namin. Baka sa mismong debut namin magkamali-mali pa kami.

"Girls, sabi po ng secretary pinapatawag daw po kayo ni Mr. Cino sa conference room." Tumigil kami sa pagsayaw nang magsalita ang babae na kanina pa tahimik na nakaupo sa gilid, pinapanood lamang kami sa aming mga ginagawa.

"Friely pakisabi okay, mag aayos lang kami." I said, then we went to the restroom one by one to get ready. Hindi naman pwedeng mukha kaming dugyutin kapag humarap kami sa COO namin.

It's been a week since Friely got accepted-which I made sure of, even before she applied for the job-Anim na araw na namin s'yang kasama. Minsan sa condo namin s'ya natutulog kapag inaabot na s'ya ng madaling araw kakabasa ng e-mails. Yes, May e-mail na kami, may mga nagi-inquire na nga na brands, nagpapareserve na for endorsements after our debut. Since first group kami ng kumpanya, ginagawa nila lahat ng makakaya nila, kinokontak na agad nila ang mga kilala nilang brands and companies.

In span of one week, I can already see how Friely works. Napakasipag n'ya, Hindi s'ya titigil sa pagsagot ng mga e-mails haggat hindi n'ya nasasagot ang lahat, unless bumagsak na ang ulo n'ya sa lamesa dahil sa antok. Hands on rin s'ya sa amin and she's professional. I can already see na magtatagal s'ya sa amin at mapapagaan ang mga bagay bagay dahil sa tulong n'ya.

"Paki dala na ang mga gamit n'yo kasi pagkatapos nitong meeting pwede na kayo umuwi."

"Noted!" Binitbit na namin mga gamit namin gaya nang sabi ni Friely, tsaka nagsipagtungo sa conference room.

Pagpasok namin nakaupo na sa gitna si Mr. Cino, wala rin ang secretary n'ya. If you are thinking na isang matanda o may edad na ang COO namin then you are totally wrong. Nasa early 30's pa lang s'ya pero ang bata n'ya pang tignan, He's pretty powerful just like the CEO kaya may koneksyon sila sa Korea at iba pang bansa. My friends found him cute pero buti na lang hindi sila nagkacrush sa kan'ya kung hindi baka nagkukurutan na kami ng palihim dito.

Naupo kaming lahat sa palibot n'ya para makapagsimula na s'yang magsalita, "Later, we will be having a meeting with our staff, everyone na magiging involve sa shooting ng mga gagawin ninyo and also about our future plans. Pag-uusapan natin ang tungkol sa mga gagawin before debut, after debut at iba pang maaaring maganap para handa tayo at smooth ang lahat."

"Yes, Sir." We answered.

Kinalabit ako nang katabi kong si Bry, "May balita ka na ba sa kor?" Palihim na tanong n'ya sa akin. "Wala. Hindi pa nga tayo nakakapagdebut dito gusto mo na ata agad lumipat hahaha." She also laugh a bit and said, "Konti lang naman HAHAHA."

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon