k w a t r o

46 3 2
                                    

                        ꧁VERO SKYLIER

Binuhat ko na si Veon papasok ng resto kasi guess what...tulog ang magaling kong kapatid at ayaw gumising kaya ayan.

Inupo ko s'ya sa upuan malapit sa'kin. Parang nahimasmasan naman s'ya at naliwanagang marami kaming kasama baka siguro nakaramdam na rin ng konting kahihiyan.

                         ꧁VEON SKYNA

Inayos ko ang buhok ko pati na buong pagkatao ko. Lahat sila nakatingin sa'kin. Shet nakakahiya. Ang awkward kasi ngayon ko na lang ulit sila nakasama tapos ganito pa'ko.

Umayos ng upo si bry at sinabing, "Veon, 넌 항상 자고 있어." (You're always sleeping) Tinignan ko s'ya ng masama.

"아니야! " (I'm not!) Pinandilatan ko s'ya ng mata pero may gagang gumatong pa sa pangaasar

"Antukin talaga 'yan si princess" Nagulat ako nakisali si Kuya Roici.

"Kuya!" Tumawa silang lahat.

"괴여워" (Cute) Hindi ko alam kung sino nagsabi noon dahil sobrang hina lang napakunot ako ng noo pero hindi ko na lang pinansin.

"Bakit totoo naman princess ah." Isa pa 'to si Kuya Vero eh.

Wala naman ginawa ang To be 7 at mga kaibigan ako kun'di tumawa ng tumawa.

Sasarap nila kurutin ng nipper isa isa.

Sumeryoso ang mukha ko,
"하지마세요"(Please, stop it)

"Hoy, wag kang pikon." Saway ni Kuya Vero.

"Kayo kaya nauna mang asar alanga namang matuwa ako." Umiling uling s'ya at tumawa.

Umorder na lang kami ng pagkain kasi nandito nga kami para kumain 'diba.

"So, Kumusta pinas?" Panimula ng topic ni Kuya Kel.

"Ayon bansa pa rin naman hanggang ngayon." Natawa sila sa sagot ko.

"Hindi ikaw kinakausap ko." Nagulat ako nung timingin s'ya sa mga kaibigan ko.

Pahiya ako roon ah!

Nagsitawa ang gaga at inasar si Perrianne na s'ya na sumagot, "Okay naman sa Pinas may mga nagbago nga lang kagaya ng dumami lalo mga building pero ganoon pa rin naman." Nakita kong tinapik s'ya ni Ailey sa hita tapos tinapik n'ya rin pabalik.

"Hanggang kailan kayo rito, Veon?" Tanong saakin ni Kuya Reov. 'Yon ako na kinakausap n'yan ha?

"Isang buwan o baka mas matagal pa. Depende sa mood namin."

"Gago ka talagang bata ka." Kita kong hindi na naman natutuwa si Kuya Vero sa sagot ko.

"I know hehe joke." Nagpeace sign ako sakan'ya kasi baka masipa na'ko nito hahahaha.

"Tagal n'yo rin pala magsstay dito. Gusto n'yo gala tayo bukas? Tutal pahinga namin bukas." Aya ni Kuya Jeiq.

"Magandang idea 'yan, Hyung" Pagsang-ayon ni Kuya Jeo.

"Oo nga para makabonding ulit natin si Veon at Bry pati na rin si Weiz." Sabi ni Kuya Jorzel na sinang-ayunan ni Kuya Kel at Kuya Reov ng, "Oo nga naman."

"Kaso pahinga n'yo 'yun eh" Alanganing sagot ni Lairen.

"Okay lang wala naman kaming gagawin masyado tsaka minsan lang kami makapag saya isa pa minsan lang din naman kayo rito." Pagpipilit ni Kuya Reov.

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon