b e n t e - s i n g k o

12 0 0
                                    

Tumalon sa tyan ko si Yeana pagkagising na pagkagising ko, "Good Morning little creature." I patted his head then I get out of the bed.

I head out to the kitchen kung saan nanggagaling ang tunog ng lutuan.

"Oh gising ka na pala, want some breakfast?" Offer ni Kuya Roici sa akin habang nilalapag ang mga ginawa n'yang toast and egg kasunod naman ang milk.

"Sure." Pag-upo na pag-upo ko lumundag na naman sa lap ko si Yeana. Kumuha ako nang isang toast, "Mukhang gustong gusto ka n'yang si Yeana ah kagabi pa lang pagdating natin hindi ka man lang tinahulan." He sat and started to eat his breakfast.

"Oo nga eh. Itakas ko kaya 'to at i-uwi ko sa pinas? Hahahaha."

"Sira ka talaga hahahaha. By the way, Ano sched mo today? may pupuntahan ka ba? samahan kita." Tinignan n'ya ako habang patuloy pa rin s'ya sa pagkain.

"Wala akong sched para sa company since sabi nga 'di ba magpahinga ako pero may gusto akong puntahan na mga peaceful na lugar. Ikaw ba wala kang bang gagawin? bakit mo ako sasamahan?" Ang sabi n'ya kasi may pinagkaka abalahan s'ya tapos eto at sasamahan n'ya raw ako?

"Actually meron pero pwede ko naman ipagpaliban 'yung mga 'yon, ikaw hindi. Kailangan mo ng kasama." 

"Wow. kailangan ko bang ma-touch? Ahahaha." I don't know what to say kaya ayan na lang nasabi ko.

"Ewan ko sa'yo. Pagkatapos mo jaan magbihis ka na para maaga rin tayo makabalik." Tumayo na s'ya at nagtungo sa kwarto n'ya para siguro magpalit ng damit, since tapos na rin naman ako kumain, bumalik na rin ako sa guest room para magpalit na rin.

Kagabi pala pag uwi namin nagsipunta ang mga kaibigan ko para ibigay sa akin ang maleta ko na may mga gamit ko. Tinext ko kasi si Perrianne na dalhan ako ng gamit para hindi na kami pumunta ni kuya roon para na rin mameet nila si Yeana.

Nagpalit na ako ng damit. Mula sa pajamas ngayon ay naka as usual na pananamit nako, maong na ripped jeans, black oversized shirt, black cap at maliit na backpack.

"Sabi ko peaceful na place lang naman gusto kong puntahan hindi fashion show."  Bungad ko nang makita ko s'ya sa sala na naka upo sofa at nagcecellphone. Naka black sya na panloob, brown na long cardigan, at gray na slacks.

"Ano ka ba ganito naman pananamit ko araw araw ah." Tumayo s'ya at umikot pa para ipakita ang itsura ng outfit n'ya.

"Talaga ba? ang sabi ko sa peaceful na lugar ko gusto pumunta hindi sa fashion show." 

"Sus inggit ka lang eh iisa lang kasi style mo. Try mo kaya mag iba paminsan minsan? hindi ka ba nauumay jaan?" Nagsapatos na kaming dalawa at lumabas, "Hindi, 'wag kang basag trip." Nagpunta na kami sa parking lot atsaka sumakay na sa kotse n'ya.

"Saan tayo?" Tanong n'ya nang nasa kalsada na kami.

Itinuro ko sa kan'ya ang daan papunta sa isang aesthetic cafe na nakita ko online kagabi bago ako matulog. Isa itong brown themed cafe na may mga books and dogs.

"Ahhh this cafe. Nadadaanan ko 'to minsan pero hindi ko pa na try." Sabi n'ya nang natanaw ang pupuntahan namin. 

"Nakita ko lang 'to sa internet eh mukhang maganda naman." Nagpark na si kuya tapos ay pumasok na kami.

Sa labas ng cafe ay may alfresco dining, may decorations ng led light na korteng letters na ang nakalagay ay "Chase your dreams while drinking coffee" pagpasok naman sa loob, maaamoy mo na agad ang kape. May mangilan-ngilang halaman sa mga sulok, ang mga upuan sa gitna ay mga kahoy pero sa mga gilid ay mga parang sofa na malalambot at doon kami pumpwesto ni kuya, malapit sa malaking bintana.

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon