"Sound check, Sound check, 123 mic test." Paulit ulit na sabi nung lalaki sa sound systemNasa sitting VIP kaming magkakaibigan sa pinakagilid at wala masyadong makakapansin saamin kasi sabi ni Kuya Roici baka raw kasi guluhin kami kaya dito kami pinapwesto habang si Kuya Roici ay nasa backstage.
Nagkakasatan silang apat, ako naman parang timang na pinipilit silipin 'yung backstage.
"Fangirl na fangirl ah." Rinig kong sabi ni Ailey.
"Girl scout siguro 'to dati handang handa eh." Sabi n'ya ulit tapos tumawa.
"Baka mamaya sumigaw ka pa ng 'akin ka na lang Shaunkel' Ha na'ko po sinasabi ko sa'yo Perrianne ipapatawas kita kay Mang Ambo 'yung albularyo sa probinsya namin." Napalingon ako sa sinabi ni Bry.
Nakita ko si Perrianne may hawak na light stick tapos may pangalan at mukha ni Kuya Kel.
"Ikaw ba 'yan Perrianne Pabiana ha? Shet." Tinignan ko s'ya at nakisali sa tawa ni Bry at Ailey.
"Inggit lang kayo wala kayong light stick." dumila s'ya at tumawa rin.
"Perrianne, Perrianne, Perrianne sabi ko kase sa'yo ako na lang kasi mahalin mo hindi ka naman papansinin ni Shaunkel." Lumapit si Lairen kay Perrianne akmang hahalikan sa pisngi pero tinulak agad s'ya.
"Umiiral na naman kaanohan mo ha hindi tayo talo oy!" Pinakitaan n'ya si Lairen ng pandidiri kaya nagtawanan kaming lahat.
"Hey Veon, Your Kuya Vero wants you at the backstage right now." Bulong saakin ni Weiz mula sa tabi ko.
"Right now? Really? As in now? Why?" Sunod sunod kong tanong.
"I don't know 'di sinabi kung bakit." Napabugtong hininga ako sa sagot n'ya.
"Do you want me to come with you?" Pag aalok n'ya
Tumayo ako at inayos ang sarili, "No thanks." He just smiled kaya umalis na'ko.
Tumakbo ako papuntang backstage at hinanap sila.
Pumasok ako sa dressing room ni kuya pero iba ang naabutan ko.
Nakita ko si Jervin na walang pangitaas, "미안" (Sorry) Nakita kong nanlaki ang mata n'ya kaya dali dali akong lumabas.
Bakit ba kasi nandoon s'ya eh dressing room yun ni kuya!
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Ampotek!
Bumukas na naman ang pinto at sumilip si Jervin pero nakadamit na s'ya na para sa first performance nila.
"들어오다" (Come in) Ako naman ang nagulat sa sinabi n'ya.
"아니야, 괜찮아. Akala ko nanjaan si K-Kuya" (No, Im ok)
Ngumiti ng s'ya ng kaunti, "Don't worry, it's fine. Nandoon si Hyung sa dressing room ni Jorzel hyung"
[A/N: Hyung=older brother for Boys]
"T-thanks!" Tumakbo ako dahil sa hiya.
Pagdating ko sa pinto ng dressing room ni Kuya Jorzel biglang lumabas si Kuya Roici.
"Oh bakit hingal na hingal ka? Tumakbo ka ba? Pumasok ka nga dito. " Sinunod ko s'ya, pumasok ako at naupo sa sofa. Nakita kong nandoon si Kuya Jorzel at Kuya Vero.
"Veon, you ok?" Tanong ni Jorzel.
"Yeah, may nangyari lang hindi maganda ganda." Paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
PERFECT TIMING//on-going
Teen FictionPerfect timing? Maybe not? //taglish// Pub date: May 12, 2020