b e n t e - t r e s

9 1 7
                                    

"Hindi mo ba sasabihin sa mga Kuya na babalik na tayo?" Tanong sa akin ni Bry.

Narito na kami sa airport, kaunting oras na lang boarding na kami pero hanggang ngayon si Kuya Roici pa lang ang nakakaalam na uuwi kami ngayon. Ilang araw akong hindi nagparamdam sa mga kuya ko bago ang flight namin, which is today, para maiwasan ko ang mga tanong nila about sa photoshoot at baka rin kasi madulas ako na babalik na kami.

"Gusto ko kasi sana i-surprise sina Kuya. May mga dala kayong pasalubong 'di ba? pati ako meron kaya i-surprise na lang natin." Sagot ko habang naglalaro ng online games sa phone ko.

"Okay naman 'yang naisip mo, support ako jaan." Sabi ni Ailey habang tutok na tutok din sa phone n'ya. Kalaro ko silang dalawa ni Kyel HAHAHAHA.

"Saan tayo unang pupunta pagdating natin doon?" Tanong na naman ni Bry pero this time kay Friely naman na tahimik lang na nakaupo sa gilid habang patingin tingin sa paligid.

"Hindi pa sinasabi kung saan tayo dederetcho, kung wala namang meeting o kahit ano sa sched n'yo siguro naman pwede na kayo magcheck-in, magpahinga o kaya naman pwede kayo pumunta sa kung saan n'yo gusto." Kung paano s'ya tumingin sa paligid halatang first time n'ya makapasok sa airport.

"Surprise na agad natin mga Kuya mo bago tayo umuwi sa bahay mo, Veon. 'Yun eh kung wala tayong gagawin." Suhestyon ni Perrianne.

"M-may bahay ka po rito, Ms. Veon?" Gulat na tanong ni Friely. Oo nga pala hindi pa alam ni Friely na half Korean kami ni Bry.

"Ang busy mo kasi Friely hindi ka pa namin nakakakwentuhan. Oo may bahay 'yan doon kasi half Korean s'ya, pati si Bry, actually." Si Lai ang sumagot sa kan'ya.

"'Wag mo na kaming tatawaging Ms. Pwedeng pangalan na lang o apilyido nagmumukha kaming matanda masyado." Saad ko.

"Kaya pala Kim ang apilyido mo..." She just nodded as she realized the fact.

"Surprise ba talaga, Perrianne? baka gusto mo lang makita si Kuya Kel." Nilingon ko saglit si Perrianne at inasar s'ya habang tutok pa rin sa phone.

"Slight HAHAHA pero mas excited ako sa shoot natin shempre." Nakikita ko sa peripheral view ko na nagdudutdut din s'ya ng phone n'ya.

"Talaga lang ha."

"Oo nga, maglaro ka na lang jaan bago ko pa ipanalanging matalo kayo. Malapit na rin tayo magboard kaya dalian n'yo na jaan."

Patawa tawa na lang akong nagfocus sa laro ko.

Hindi naman nagtagal ay na announce na boarding na ang plane namin kaya nagsisakay na kami. Magkabi ulit sina Bry at Ailey, kami ni Perrianne tapos si Kyel at Friely habang si Lai pinili muling maging magisa.

"Ano nakalaro mo na ba 'yung sinasabi mong laging nagseseen ng story mo?" Casual na tanong sa akin ni Perrianne.

"Hindi pa. Hindi rin naman ako sure kung totoo bang naglalaro 'yun baka ine-echos lang ako no'n." Walang buhay kong sabi.

"Malay mo naman busy?"

"Ewan ko. Hindi ko naman s'ya inaantay na kalaruin ako, kaya ko naman maglaro mag-isa tsaka nanjaan naman sila Ailey."

"Naks indipendent naman pala ang ate mo."

Inayos ko ang kumot ko, "Matulog na lang tayong dalawa."

                                        ꧁꧂

"OMG WELCOME BACK TO USSSS!!!" Masayang sigaw ni Bry pagbaba na pagbaba nang eroplano.

PERFECT TIMING//on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon