Chapter 11

8.3K 267 19
                                    

K E V A N

Kung mahilig kayo sa horror stories, let me tell you the shortest horror story ever: Monday.

Monday na naman kasi, same old story, same old routine. Sobrang bitin ng weekend eh. Di ako umalis ng dorm, nahihiya kasi ako sa pasa sa mukha ko. Huhu! Haha!

Oo, naging pasa nga talaga ang tinamaan ng siko ni Loraine sa mukha ko. Parang di naman uli sumakit pa ang ulo ko at di narin ako nag nosebleed. Wag lang ako i-french ni Kent, di lang nosebleed aabutin ko kundi internal hemorrhage. Haha!

Kakatapos lang ng first subject namin today. Himala hindi ako na late kanina. Eh grabe naman kasi ang pahinga ko over the weekend eh.

May isang oras kaming vacant kaya pupunta kami ngayon sa coliseum ng school namin para sa club fair. Tinext ako ng IT club president, nakabalandra na daw dun ang poster na ginawa ko, kaya excited na akong makita ito. Siyempre, proud ako sa ginawa ko no!

As usual, magkasama na naman kami ni Kent. Medyo nawala na ang awkwardness sa amin at nakakapag-usap na kami ng normal. Di ko na bini-bring up ang topic about sa g*go niyang best friend, at ganun din naman siya. Mabuti na nga yun. Lunes na lunes, ayaw ko masira ang linggo ko.

Hinihiling ko lang na sana di muna mag krus ang landas namin ni Jansen, baka kasi may katarantaduhan na naman siyang gawin at magkagulo na naman.

Ang magaling ko namang best friend na si Prince, tinawanan lang ako nang nakita niya ang pasa ko sa mukha. Bagay daw pala sa'kin ang may pasa. Nag alok pa siya na dagdagan daw niya ng isa pa sa kabilang side kasi baka nalulungkot daw ang pasa ko dahil walang kasama. Ayun, nakatanggap ng batok galing sakin. Loko-loko talaga yun.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari, pati na rin ang kag*guhan ni Jansen, aba'y ituro ko daw sa kanya at reresbakan niya. Soows, baka pag nakita niya si Jansen maduwag siya? Haha!

Pero pasalamat lang din ako kay Prince, kahit ganun yun, mahal ako nun. Alam kong ipagtatanggol ako nun at di ako iiwan sa labanan gaya na lang nung mga bata pa kami. Pag may kaaway ang sino man samin, pagtutulungan namin. Haha!

Pero di ako pala-away, si Prince lang. Laglagan eh no? Haha! Pag ginulo pa daw ako uli ni Jansen, isumbong ko daw sa kanya. Soows, as if hahayaan ko namang guluhin pa ako uli ng demonyong yun. Di na talaga ako papayag, magkamatayan na!

Uy, joke lang! Baka sabihin niyong bayolente akong tao. Di ba pwede mag exaggerate lang paminsan-minsan? Pero seryoso ako sa sinabi ko na hindi ko na talaga hahayaang apihin ako kahit nino. Siyempre, kung kaya ko namang umiwas sa gulo, iiwas pa din ako. Nananaig pa din ang pagka good boy ko, hehe.

Narating na namin ang coliseum. Di naman kalakihan ang coliseum namin, mga apat na beses lng siyang mas malaki kesa sa gym at kaya nitong mag accomodate ng 8,000 na tao. Madalas nga din tong ginagamit na venue sa mga concerts at iba pang malalaking events. Pero ngayon, nakalatag na ang carpet sa court at puno ito ng mga kiosk ng mga clubs. Nag mistula namang maze o labyrinth ang court dahil sa mga magkakasunod na nagagandahang kiosks. Pagandahan kasi ng kiosk at paramihan ng visitors ang labanan.

Laging nananalo ang Hospitality Management and Tourism club. Likas lang talaga sila sigurong maarte, haha! Last year naalala ko, Masquerade ang theme ng club fair. Ang HMT club, ginawa nilang parang cocktail bar ang kiosk nila, at may free drinks para sa mga visitors. Malamang madami ang bumisita sa kanila dahil sa pautot nila.

Goal ng club fair ang pag showcase ng ibat-ibang projects and events ng mga clubs at para mag recruit na rin ng mga bagong members. Kasali dito ang lahat na mga academic at non-academic clubs. Since nasa cheerleading team ako, di ko na kailangang sumali pa sa mga clubs, except sa IT club na mandatory sa course namin.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon