K E V A N
Natigilan ako sa pinto ng cubicle. Nagulat talaga ako. Sa dinami-dami ba naman ng taong pwede kong makita, bakit siya pa? Sa dami ng lugar na pwede kaming magkasalubong, dito pa sa banyo.
Nag katinginan lang kami. Basta, di ako magsasalita. Wala akong sasabihin. Hihintayin ko na lang siyang umalis. Tama! Yun na lang ang gagawin ko.
Pero bigla siyang humarap sakin. Kakaiba na naman ang expression sa mukha nito. Parang may gagawin na namang kabulastugan 'to. Oh, that evil grin. Nakakaasar talaga pagmumukha niya.
"Napadpad ka yata dito? Mamboboso ka na naman no? Bakla ka nga talaga," sabi niya habang nag lalakad papalapit sa pinto.
Di na lang ako sumagot. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Hinawakan na niya ang door knob, aktong aalis na pero nag salita pa siyang nakangisi, "Di ka makasagot kasi guilty ka. Bakla ka nga."
Sinamaan ko na siya ng tingin. Di parin ako umiimik. Ayoko ng gulo. Umalis ka na please, habang nakakapag-timpi pa ako.
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Pinagnanasaan mo na ba ako? Oh baka naman si Kent ang type mo?" pang-aalaska pa niya.
Pumantig ang tenga ko sa narinig ko. Gago ba siya? Ang lakas ng trip ng gagong 'to ah. Naaasar na talaga ako. Kumulo bigla ang dugo ko. Parang nandilim naman ang paningin ko kaya di ko na napigilan ang sarili ko sa sunod na nangyari.
"Eh gago ka pala eh!" sigaw ko sa kanya.
Sinugod ko siya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. Susuntukin ko na sana siya nang bigla niya akong tinulak sa pader. Ang bilis ng gagong 'to. Agad niya akong sinugod at kwinelyohan. Dinidiin niya ako lalo sa pader habang hawak-hawak niya ang kwelyo ko. Ang lapit ng mukha niya sakin. Kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mga mata, at ang maliit na scar niya sa may kanang kilay.
"Ano, lalaban ka? Kaya mo ba 'ko? Baka gusto mong baliin ko yang balakang mo para di kana maka kembot-kembot na bakla ka!" galit niyang sabi.
Nakita ko sa mga mata niya ang galit. Na-pipi naman ako sa bilis ng pangyayari. Di ako makapag salita. Di ako nakapag handa. Ang bilis mag counter attack ni Jansen. 6 footer siya, gym buff ang katawan, athletic talaga ang build, kaya walang duda na kayang-kayang niya talaga akong baliin kung gugustuhin niya lang.
Para akong naduwag. Di ko alam ang gagawin. Di ko alam ang sasabihin. I was caught off-guard. Di naman kasi ako sanay makipag basag ulo. Nandilim lang bigla ang paningin ko kaya nagawa ko siyang sugurin. Pero ngayon ako 'tong naka dikit sa pader, walang magawa.
Kumalma na siya at binitawan na niya ako. Inayos niya ang uniform niyang nagusot ng konti. Nag smirk pa siya sakin bago binuksan ng tuluyan ang pinto at naglakad palabas. Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Napa-isip ako, pano kaya kung nasuntok ko siya? Sana nga nasuntok ko siya, naka bawi man lang sana ako sa katarantaduhan niya. Pero hindi rin, di ko naman siya ma na-knock out sa isang suntok lang. Sigurado susuntukin din ako nun. At sa laki ng katawan niya, sigurado pupulutin ko na lang mga ngipin ko. Pero kahit na! Masarap parin sa pakiramdam makapuntos man lang.
Lumipas ang ilang sandali at nakasandal pa rin ako sa pader, sinusubukang kumalma, at pina-process ang nangyari. Di ako makapaniwala na uminit bigla ang ulo ko at sinugod ko siya. Di ako ganito. Mali! Sa susunod, iiwasan ko na lang talaga si Jansen. Tama!
'Waaaah! Kinakausap ko na naman ang sarili ko.'
Hindi naman sa naduduwag ako, pero iiwas na lang ako sa gulo. Pero sana wag lang siya uli gumawa or magsabi ng mga bagay na hindi ko magugustuhan. Huwag niya lang sana uli lait-laitin ang mga kaibigan ko. Ako na lang. Okay lang sakin, makakapag timpi pa naman siguro ako. Hahabaan ko na lang lalo ang pasensya ko.
BINABASA MO ANG
Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]
Любовные романыTumbling dito, buhat doon, hagis ng flyer, salo, ikot, talon, liyad, nga-nga at kung ano-ano pa! Parte lang yan ng buhay ko bilang isang cheerleader. Akala ko madali lang. Oo, madali lang mabugbog ang katawan ko. Sa stretching pa lang, parang mapup...