K E V A N
"Anong oras na, bakit wala pa rin yung school bus?" takang tanong ni Timmy.
Bakas na ang inis sa kaniyang mukha lalo na't pawis na siya at nag simula nang kumalat ang kolorete sa mukha. Bakit ba naman kasi nag make up pa siya, eh alam naman niyang napakainit ng panahon ngayon at Cheer Camp ang pupuntahin namin, hindi halloween party.
"Di ba 7 AM dapat andito na yun?" inis na tanong din ni Lorraine na kanina pa sinusubukang tawagan ang driver ng bus, pero di niya ito ma contact.
Oo nga naman. Halos alas ocho na pero wala parin ang school bus na mag-dadala sa amin sa venue ng Cheer Camp sa karatig bayan. 6:30 AM ang usapan naming call time ng lahat para ma ready namin ang mga rubber mats na dadalhin namin sa venue. At sa plano namin, dapat alas syete dumating ang bus para bumyahe na kami agad at mararating namin ang venue at least 1 hour before magsimula ang camp.
Maging ang iba naming mga kasama ay mukhang nababagot narin at naiinis kahihintay sa school bus. Yung iba, lumabas na muna at tumambay sa may 7 Eleven, pati si Jansen ay sumama na din sa mga boys na nagpaalam na magyo-yosi daw muna. Nako, pag kayo nahuli ni coach, good luck!
Kahit ako naiinis na rin! Pero may mga bagay talaga na di natin kontrolado, kaya sinusubukan ko na lang na maging kalmado, lalo na't sumasakit ng konti ang ulo ko. Medyo masama ang pakiramdam ko pag gising ko kanina kaya uminom agad ako ng gamot. Parang umokay naman ang pakiramdam ko matapos kong maligo at sa kinain kong pandesal na binili ni Jansen ( kinain ko habang naliligo siya! Hahaha! Di naman ata niya napansin na kulang na ang tinapay niya, hahaha! ). At buti na lang medyo umokay na ang pilay ko; nakakalakad na 'ko nang walang saklay, pero sumasakit parin minsan kaya todo ingat na lang.
"Sigurado ka bang 7 AM ang na book mong oras, Kuya Tim?" tanong ni Lorraine kay Timmy.
"Ay syempre noh!" defensive mode agad si Timmy na abot kisame ang taas ng kaliwang kilay.
"Sigurado ka tama 'tong number ng driver?"
"Heller! Tinawagan pa yang number na yan ng student assistant para i-confirm ang reservation!" sagot ni Timmy sabay irap ng mata.
Napa-simangot na lang si Lorraine dahil di parin ma-contact ang driver ng school bus.
"Tim, anong number ng school bus nga sabi mo?" takang tanong ko. "Di ba sabi mo Bus #12?"
"Oo, yung bagong bus ni-reserve ko para mukhang sosyalin tayo," aniya.
"Sigurado ka?" tanong ko uli na nag-palabas ng usok sa ilong ni Timmy.
Pero napatingin naman sila agad sa tinuro kong school bus na papalabas ng gate na may sakay na mga estudyanteng naka Community Service t-shirt. Napakalaking number 12 ang naka balandra sa harap, gilid, at likod ng bus katabi ng logo ng school namin, kaya hindi pwedeng namamalikmata lang kami.
"Luh?! P-papaano— b-b-bakit— huuuuuuh??!!" ang tanging nasabi ni Timmy. Magkahalong gulat at pagtataka ang naging reaksyon naming tatlo.
* * *
"Ay no! Very wrong ka dun, ate! Sa amin naka reserve ang bus na yun!" pag-tataray ni Timmy. Napasugod agad kaming tatlo sa General Services Office.
"Canceled po kasi yung status na nakalagay sa reservation niyo ng school bus kaya po binigay na po sa iba," sagot naman ng student assistant na naka duty sa GSO.
"At bakit niyo naman kinancel, aber?" tanong ni Timmy na isang kembot na lang, mag-b-beast mode na.
"Di naman po kami ang nag cancel. May tumawag po na nag pa-cancel po. Yan po nakalagay sa notes dito," turo ng estudyante sa screen ng computer, at halos umiyak na siya dahil sa pagtataray ni Timmy.
BINABASA MO ANG
Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]
RomansaTumbling dito, buhat doon, hagis ng flyer, salo, ikot, talon, liyad, nga-nga at kung ano-ano pa! Parte lang yan ng buhay ko bilang isang cheerleader. Akala ko madali lang. Oo, madali lang mabugbog ang katawan ko. Sa stretching pa lang, parang mapup...