K E V A N
Tumayo na'ko at lumapit sa kanila. Tumayo na din ang katabi ko at hinawakan ako sa braso. Pero kalmado ko sinabing, "May problema ba kayo sa'min?"
Bigla namang nawala ang tawanan ng grupo nila, lahat napatingin sa akin, at si kuya ay dahan-dahang tumayo. Wah! Ang tangkad pala niya! Pero nagulat ako kung sino ang taong humarap sa akin.
"Eh pano kung meron?" nanghahamong sabi ni Jansen.
Di ko inaasahan na si Jansen pala yun. Well, di naman kami close para malaman ko agad na siya yun. Di naman ako nagulat na ganun siya umasta. Masama lang talaga siguro ugali nito at ang kitid ng utak. Kaso nagtaka lang ako kung bakit nandito pa siya sa ganitong oras. Diba maaga ang training ng basketball team? Ewan, wala akong pakialam.
Biglang nag-iba ang mukha ni Jansen. Eeerrr! Nakakaasar! Parang demonyong naka ngiti. Parang may binabalak na masama.
"Parang ang kikitid naman ng mga utak niyo sa mga pinagsasabi niyo. Hindi porke't nagchi-cheerleading kami ay bakla na agad," kalmado parin ang pagkaka sabi ko.
Di naman talaga ako pala-away. Naasar lang talaga ako sa mga sinabi nila. Parang ang judgmental lang kasi. Wala naman akong balak makipag basagan ng bungo, gusto ko lang pagsabihan ang mga engot na'to na hindi tama ang mga sinasabi nila.
"Bakit, bakla ka naman talaga ah," rinig kong sabi ng kasama niya. "Ang tunay na lalaki, hindi kumikembot-kembot. Marunong ka nga mag split, di ba? Sample nga!"
Nag bading-badingan pa uli siya at nag tawanan silang grupo habang nakatitig parin si Jansen sa akin ng masama. Eeerrr! Naaasar na talaga ako. Bakit ang kikitid ng mga utak ng mga kamoteng 'to? Ano kaya nagawa ng mga bakla sa kanila para ganito umasta mga 'to? Kasing liit siguro ng munggo ang mga utak.
Alam kong tama naman ako, pero hindi na ako makikipag debate sa kanya. Alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla; hindi ako guilty. Pero naaasar ako para sa mga kaibigan ko. We don't deserve to be treated this way. Hindi ako bababa sa level nila para patulan pa sila. I won't give them that satisfaction.
"Di ibig sabihin na marunong mag split at kumikembot, bakla na agad," sabi ng kasama ko.
"Di ibig sabihin na pag maangas mag lakad, tunay na lalaki na. Dahil nag babasketball ka, straight ka na? Yung iba nga dyan, di lang ma amin na bakla talaga sila. In short, paminta! Pweh!" sabat naman ni Timmy na nakataas ang kilay.
"Lipat na lang tayo ng ibang place, guys. May mga taong makikitid ang utak dito. Nawalan na'ko ganang kumain," sabi ni Jonnel bago pa man makapag-react si Jansen sa sinabi ni Timmy.
Good idea. Iwas gulo na lang. Mukhang payag naman ang iba naming kasama dahil nag sitayuan na sila. Umalis na kami sa karinderya pero na ririnig parin namin sila nangaasar. Ang isa nag high-V pa at kumindat-kindat, at nagsitawanan naman lahat ng mga gagong yun.
Nakakabadtrip! Pero bakit ko ba hinahayaan ma badtrip ako? Sa lahat naman ng taong mang bubully sa amin, di naman ako nagulat kay Jansen. Kaya siguro ganun kung maka tingin sa'kin yun. Ang sama ng ugali niya! Di ko alam bakit siya naging best friend ni Kent, ngayon na realize ko na sobrang opposite pala ang ugali nila.
Kumain na nga kami sa kabilang kanto na di na pinag usapan ang nagyari. Lalo lang kami maba-badtrip, lalo lang masisira ang gabi namin. Pagkatapos naming kumain, sumakay na kami ng jeep pauwi. Sila mga kasabay ko umuwi, pero yung iba mas malayo pa ang bahay kesa sa'kin.
Nung naka-baba na'ko sa kanto, naalala ko na di pa pala nag titext si Prince. Nako, di pa'ko makakauwi! Malamang di pa tapos mag ano yun!
Tumayo na lang muna ako sa kanto habang hinihintay ang text niya. Maliwanag naman at marami pang tao sa may tindahan kaya safe naman. Kinuha ko na lang ang earphones ko at itutuloy ko na lang ang naudlot kong concert sa saliw ng musika ni Ed Sheeran.
Playing Thinking Out Loud 🎶🎶
Feel na feel kong kumanta. This time, mahina na yung boses ko. Mahirap na baka maka bulabog pa ng mga tao. Hehe.
Gustong-gusto ko talaga ang mga kanta ni Ed Sheeran. Mahilig ako sa mga oldies lalo na sa mga 90's na songs at boy bands, pero nagustuhan ko lang talaga itong Thinking Out Loud. Ilang beses ko na din na rape ang repeat button ng phone ko, at lagi din ako na LSS dito. Pakanta-kanta pa akong nakatayo sa may kanto.
"And darling, I will be loving you 'til we're 70. And baby, my heart could still fall as hard at....." nang biglang may tumigil na itim na kotse sa harap ko.
Binaba ng nasa passenger seat ang bintana, at sinaboy sa akin ang laman ng basong hawak niya sabay sigaw na, "Bakla!"
Narinig ko silang nagtawanan sa loob ng kotse. Mabilis naman niyang tinaas uli ang bintana at humarurot ang sasakyan palayo, pero kitang-kita ko kung sino ang tarantadong nagsaboy sa'kin nun. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mala-demonyong mukhang yun.
Ang masaklap pa, hindi lang basta likido, pre! Slurpee, pre! Nag-yeyelong slurpee!
Alam kong hindi pa'ko naliligo, pero bakit naman slurpee ang pinangligo sa'kin? Dahil sa nagyeyelong slurpee, nang matunaw na ito ay kumalat pa lalo ang basa sa damit ko na nag kulay green.
Sakto namang tumunog ang cellphone ko at may chat galing kay Prince: "Tapos na. Uwi ka na :D"
Sirang-sira na talaga ang gabi ko. Ang malas ko naman ata ngayong araw. Naglakad na'ko papuntang dorm. Habang papalapit sa dorm, may nakasalubong akong babae na medyo buhaghag pa ang buhok, animoy bagong gising at gusot-gusot ang damit. Alam na!
Naisip ko naman, "Lanyang Prince to. Di man lang hinatid si ate."
Marami pang naka tambay sa labas ng dorm kahit 11:30 pm na. Nandun din si Kuya Cesar, ang land lord namin na kasamang ng iinuman ang iba naming dorm mates. Tumango lang ako sa kanila at dumirecho na sa kwarto. Pag pasok ko ng kwarto, rinig ko naman agad ang concert ni Prince sa banyo.
Professional bathroom singer si Prince. Hindi pwedeng hindi siya kumanta sa tuwing naliligo. In fairness to him, maganda naman ang boses nya. Feeling ko nga mananalo naman siya sa mga singing contest if papayagan lang nila siyang mag dala ng banyo sa stage. Haha!
Pero seryoso, may binatbat naman ang best friend ko pagdating sa kantahan. Yun lang, na badtrip ako lalo ng marinig ko ang kinakanta nya.
"And darling, I will be loving you 'til we're 70. And baby, my heart could still fall as hard at 23....." pinalo ko ng pagkalakas-lakas ang pinto ng banyo.
"Ano ba! Basag trip ka eh!" sigaw ni Prince sa loob ng banyo.
"Shut up ka jan! Badtrip ako. Palitan mo ang kanta mo!" sagot ko naman habang naka kunot ang noo.
Pero malakas din 'tong mang asar si Prince. Tinuloy pa niya lalo ang pagkanta ng Thinking Out Loud. Wala nako magawa kundi mag takip na lang ng tenga.
Naalala ko na naman kasi kung pano ako napahiya sa jeep, pano ako binara ni ate. At naalala ko din kung pano ako naligo ng slurpee habang kina-kanta yan. Kaya simula ngayon, hindi ko na favorite yan. Di ko na uli kakantahin kasi baka ano pang kamalasan ang dalhin niyan sakin sa susunod.
Pesteng Thinking Out Loud na yan. Naalala ko ang nakakaasar na mukha niya sa bintana ng kotse, ang mga malisyoso niyang ngiti, ang kanilang tawanan.
"May araw ka rin saking demonyo ka. Makakaganti din ako sayo, Jansen Guevara."
BINABASA MO ANG
Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]
RomanceTumbling dito, buhat doon, hagis ng flyer, salo, ikot, talon, liyad, nga-nga at kung ano-ano pa! Parte lang yan ng buhay ko bilang isang cheerleader. Akala ko madali lang. Oo, madali lang mabugbog ang katawan ko. Sa stretching pa lang, parang mapup...