K E V A N
"Okay ready! 5, 6, 7, 8!" sigaw ng coach namin.
Sa lakas ng boses ni coach, di na niya kailangan mag megaphone. Nakatayo siya sa maliit na stage sa may gilid ng court, kung saan kitang-kita niya bawat maling galaw namin.
Pinapractice namin ngayon ang aming stunt sequence. Naka ilang ulit na kami kaya medyo hinihingal na kami pareho ng partner ko sa stunts, pati na rin ang flyer namin.
Full-ups to extension ang unang part ng stunt. Two bases lang kami each stunt group – isang main base, isang side base, at ang flyer. Ako ang main base sa amin; ibig sabihin, ako yung mas nagdadala ng bigat ng flyer at taga support naman si side base. And since 30 kaming kasali sa competition, meron kaming 10 stunt groups ngayon.
Sa cheerleading kasi, mas importante ang numbers. Mas maraming nag peperform ng parehong skill, mas mataas ang points. Quantity over quality ika nga. Pero syempre di mo rin dapat i-sacrifice ang quality. Dapat i-consider din naman ang difficulty ng skill, at ang tama at malinis na pag execute nito.
Medyo magaan lang naman ang flyer kong si Loraine. 2nd year communications student siya, at ang side base ko naman na si Robert ay 3rd year marketing. May chemistry na kaming tatlo dahil matagal na kaming magka-stunt group at dahil na rin sa paulit-ulit naming practice. Alam na namin ang galaw ng bawat isa kaya kahit di man kami mag count ng malakas, alam namin kung kailan mag po-pop to dismount.
Hawak ko ngayon ang paa ni Loraine, at si Robert naman ay nasa likod niya, hawak siya sa bewang. Nakahawak si Loraine sa mga kamay ni Robert para may extra push-off ito pag binuhat na namin siya.
Sa hudyat ng coach namin, nagsimula na kami sa stunts. Patuloy lang si coach sa pagbibilang. Binuhat na ni Robert si Loraine habang pinipihit ko ang paa nito pataas kasabay sa aming pag-ikot. Naka assist lang si Robert hanggang sa ma complete na ang 360 degrees turn.
Agad naka stabilize si Loraine kaya itinaas na niya ang kanyang right leg papunta sa heel stretch position. Flexible siya kaya walang kahirap-hirap sa kanyang gawin ito. After two counts, nag pop-up na kami para bigla mag switch ang paa ng flyer sa kamay namin. Tick-tock ang tawag dito.
Ang kaninang right leg niyang nakataas ay hawak na namin ngayon, at left leg na niya ang naka taas papuntang bow and arrow position. Nang naka bow and arrow na siya, nag pop na kami for double down dismount.
Mabilis mag double full si Loraine at maganda ang form. Sakto namang na complete niya ang dalawang twists nang na salo na siya namin sa cradle position. Tumingin kami sa iba naming kasama at nasa cradle position na din ang mga ito. Mukhang sabay-sabay namang nakapag dismount ang lahat.
"Very good!" sigaw ni coach. "Janine, sa 2nd eight ka pa mag bo-bow and arrow! Nauuna ka na naman! Again! Ready... 5, 6, 7, 8"
Ganito talaga kami. Pa ulit-ulit hanggang sa makuha namin ang tamang technique sa stunts. Practice makes perfect daw eh. Siyempre at first nahirapan kami talaga, pero nung na gets na namin ang technique, madali lang naman pala. Hindi lang naman basta-basta mo lng bubuhatin ang flyer, kailangan nag eeffort din siya at may body awareness. Team work ang kailangan basta sa stunts. Responsibilidad namin bilang bases na buhatin ang flyer at saluhin, trabaho naman niyang mag execute ng skill sa taas ng maayos. At dapat alam ng lahat ang tamang count lalo na sa dismount.
Naka ilang ulit pa kami sa full-ups bago kami nag move on sa next stunt. After kasi ng dismount sa cradle, four counts lang ay derecho naman sa isa pang stunt.
Nag stunts lang kami ng nag stunts sa first two hours namin sa practice. Pinag water break na muna kami ni coach. Nag punta muna ako sa side para mag punas ng pawis.
BINABASA MO ANG
Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]
RomanceTumbling dito, buhat doon, hagis ng flyer, salo, ikot, talon, liyad, nga-nga at kung ano-ano pa! Parte lang yan ng buhay ko bilang isang cheerleader. Akala ko madali lang. Oo, madali lang mabugbog ang katawan ko. Sa stretching pa lang, parang mapup...