Maren's POV.
"Maren! Dalian mo naman anak." Tawag ni Mama na kabababa lang ng tricycle dito sa palengke
"Opo, Ma." Sagot ko at agad na simunod na sa kaniya bitbit ang dalawang basket ng paninda naming kakanin
Nag tungo lang kami sa pwesto namin doon at inayos na ang mga paninda, habang nag hihintay ng customer ay napag pasyahan kong mag sagot muna ng mga homework namin.
"Anak may pupuntahan lang ako sandali," paalam ni Mama at agad na umalis
Wala na akong nagawa kundi ang mapa buntong hininga.
"Ate Renren," isang pamilyar na tinig ang narinig ko dahilan ng pag aangat ko ng tingin
"Oh! Stella!" masiglang bati ko "Halika pasok ka," aya ko sa kaniya sa loob ng masikip at maliit naming pwesto
"Ngayon lang ulit kita nakita Ate, bakit ngayon ka lang?" Naka ngusong tanong nito
"Busy kase si Ate sa school, nag tututor pa ako." Ngumiti ako
"Hindi na kayo nag titinda dito araw-araw, every Sunday ko na lang nakikita si Mamu Marleyan dito." tukoy nito kay Mama
"Kasi sa malayo na kami nakatira," sagot ko
"Oh? Iba na school mo?" Gulat na tanong nito
"Opo, Merrit High na ako nag aaral ngayon." Proud na sabi ko
"Merrit High!?" Gulat na tanong nito
"B-Bakit?"
"Doon nag aaral kuya ko!" Masiglang sagot niya
"Oh? Anong pangalan—"
"Ate, babye na. Tumatawag na si Daddy." Paalam nito
"Yung kuya mo, Ano'ng pangalan?" Tanong ko
"Lyle," naka ngiti niyang sabi bago mag lakad palayo
Lyle..
What a unique name..
Ilang oras na akong naka tanga dito at marami na rin ang bumili, nakabalik na rin si Mama galing sa pinuntahan niya.
Nag ring ang phone ko kaya't agad na dinampot ko iyon, rumehistro ang mukha ni Syden.
Tinatamad akong makipag usap kaya nag isip ako ng paraan.
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, Please try—"
["Try to fool me again and you're done,"] usal nito na ikinangiwi ko
"Oh, napatawag ka?"
["Where are you?"]
"Nasa Colt kami sa public market, bakit?"
["Ano'ng ginagawa mo dyan?"] Tanong nito
Higit dalawang linggo na ng maging magkaibigan kami ni Syden. Masasabi kong maayos naman siya.
"Nag titinda, I'm helping my mother." sagot ko habang nag susulat ng kung anu-ano sa papel
["Oh, I see. I'll hang up now. Bye."] Hindi na nito hinintay ang sagot ko at agad na pinatay na lang ang tawag
Inilapag ko ang cellphone ko at ilang segundo lang ay nag ring ulit iyon, kahit hindi pa nakikita kung sino ang tumatawag ay agad na sinagot ko iyon at itinutok sa tenga ko.
["Where are you?"]
"Nasa Colt nga sa public market— Seven?" nang matauhan ay naisip kong kay Seven ang boses na iyon.

YOU ARE READING
That Poorita Girl
Teen FictionMaren Madriaga is an 18 year old girl who have a gifted brain, Her looks can also slay.. but she lacks on wealth. Her mother is a 'kakanin' vendor and she is ashamed because of that. Everyone thinks that their family is rich because that's what she'...