Maren's POV.
"Maren. office, ngayon na."
Kusang umangat ang kamay ko upang ituro ang sarili ko, "Ako?" ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya.
Tumalikod lamang ito at naglakad na palabas,
"M-Mamaya na lang, guys!" Paalam ko kina Hadlee, kumaway na lang sila sa akin at tila hindi rin alam kung ano ang nangyayari.
"Syden, wait for me!" hinigit ko ang sleeve ng jacket na suot niya upang mapantayan ko siya sa paglalakad
"Don't touch me," usal nito na agad ko namang ginawa
"Pasensya na," Pinagpagan ko pa ang manggas ng jacket niya "There, okay na."
Inismiran lamang ako nito at tahimik ng tinahak ang daan patungo sa office.
"Sir, bakit po?" tanong ko sa guro naming si Sir Espina oras na makapasok kami sa loob ng opisina
"Oh narito na pala kayo, maupo kayo." anito na agad naman naming ginawa
"Why did you—"
"Seven," bigkas ni Sir Espina at sinenyasan ang Campus Prince na pumasok sa loob at maupo sa tabi namin.
Bagot na umupo naman ito sa tabi ko, ngunit bago tuluyang maka upo ay nakita ko kung gaano katalim ang tingin na itinapon nito kay Syden na nasa kabilang gilid ko.
Pakiramdam ko tuloy ay nasa pagitan ako ng langit at impyerno..
"As you can see, maraming subject ang kailangang habulin ni Seven.. So I assumed that you guys can work with it. I mean, both of you can help him with his studies."
"I sincerely declined that, Sir." tumikhim pa si Syden matapos ay tumayo "Maybe Maren can do that by herself, As far as I know she's the top one in her previous school."
"Hah, As if I want to learn something from you." pinag krus naman ni Seven ang mga bisig sa dibdib niya, matapos ay nag iwas ng tingin.
"Ah.. okay. So, Maren! Ikaw na ang bahala kay Seven! Mukhang marami ring aasikasuhin si Syden,"
"Ako po?" Turo ko pa sa sarili ko
"Ayaw mo?" tanong ni Seven
"Hindi naman sa—"
"E'di 'wag. Arte." Usal pa nito
"Sige po sir, ako na po ang bahalang mag turo kay Seven." Mariing sabi ko, emphasising the word 'mag turo'.
"Okay, you may go now."
Sabay sabay na yumuko kami at lumabas ng office, naunang mag lakad palayo si Syden at sumunod naman si Seven.
"S-Seven," tawag ko
"Oh?" baling nito
"Are you free tomorrow?" I questioned
"What? Are you trying to ask me out?" napa hawak pa ito sa dibdib
Huh? Ano'ng sinasabi nito?
"What? No! I mean, we can start some of the lessons tomorrow--"
"Holy Crap! Guys, Maren Madriaga is asking me out!" Tinakpan pa nito ang bibig niya
"A-Are you insane? Dude, you're not my type! Geez!" hindi makapaniwalang sabi ko bago mag lakad palayo
Pambihira! Ano'ng eksena iyon? Baka isipin pa ng mga estudyante dito ay malandi ako at makiri.
***
YOU ARE READING
That Poorita Girl
Teen FictionMaren Madriaga is an 18 year old girl who have a gifted brain, Her looks can also slay.. but she lacks on wealth. Her mother is a 'kakanin' vendor and she is ashamed because of that. Everyone thinks that their family is rich because that's what she'...