Marens' POV.
''Maren,'' tawag ni Syden sa atensyon ko ngunit hindi ko ito pinansin at nanatili na lamang na naka dukdok sa desk ko. Wala ako'ng planong makipag usap sa kahit na sino. Lunes ngayon at ilang araw na ang nakaraan simula nang mangyari ang hindi ko inaasahang mangyayari sa aming dalawa ni Seven.
''Maren, may quiz bee tayong sasalihan sa isang araw.'' muling pag-tawag nito sa atensyon ko.
''Alam ko.'' simpleng sagot ko at tatayo na sana para umuwi dahil wala naman ng klase. Mabilis pa sa alas dose ang pagkuha ni Syden sa backpack niya at agad na tumayo sa tabi ko. ''Ano?'' tanong ko.
''Ihahatid kita.'' pag pi-prisinta nito.
''No thanks, I can walk.'' ipinakita ko pa dito ang mga paa ko bago kuhanin ang bag ko na agad niya ring hinila ''Syden ano ba?''
''Ihahatid na nga kita.'' seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
''Hay nako,'' inis na lumabas na ako ng classroom, hinayaan ko nang siya ang mag buhat ng bag ko. Bakit ba kasi ang pilit ng isang ito? Hindi naman siya dating ganito.
''Ren! uuwi ka na?'' tanong ni Ari na nakasalubong ko sa hallway.
''Yes, kayo?'' tukoy ko sa kanila ni Hadlee
''Uuwi na din! Bye!'' kumaway pa ito sa akin bago mag tungo pabalik sa classroom, kukuhanin siguro ang backpack niya.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa parking area ng school ay nakasalubong ko si Seven kasama si Hannah, nang makita ako nito ay mabilis na hinawakan niya ang kamay nito at agad na ngumiti sa kasintahan.
''Hey,'' nang tingnan ko ang kamay ko ay kasalikop na niyon ang kamay ni Syden. ''Let's go, baka nag hihintay na sila Tita.'' sabi pa nito at mabilis na hinila ako palayo. Nang makarating kami sa parking ay saka niya lamang binitiwan ang kamay ko.
''Y-You don't really have to do that.'' naka-yukong usal ko.
''Go out with me.'' usal nito na ikinagulat ko.
''H-Ha—''
''Go out with me, Maren.'' muling sabi nito bago ako pag-buksan ng pintuan sa kotse niya.
''Hop in, sa loob tayo mag-usap.'' dugtong pa nito, pumasok ako sa loob kagaya ng sabi niya. Siya ang nag-sara ng pinto pagkatapos ay pumasok na rin siya.
''Syden.. The thing is—''
''Hindi ko sinasabing gustuhin mo ako agad, I can wait. Just go out with me.'' pinaandar nito ang makina ng kotse at sinimulang mag-maneho palayo. ''Liking someone takes time, so does loving. Paano kung makatulong ako sa pag-limot ng nararamdaman mo kay Seven? I can help, Maren.. sabihin mo lang.''
''P-Paano kung hindi ko siya kayang kalimutan—''
''I can replace him, trust me.''
''Syden, you see hindi ako madaling makalimot.. lalo na kung lahat ng memories ko na kasama siya ay masaya.'' I laughed, awkwardly.
''Maren, hindi rin ako mabilis sumuko. Gusto kita, gustong gusto kita.'' diretsong nakatingin ang mga mata nito sa daan.
''Syden—''
''Will you go out with me? Yes or Yes?''
***
''Sabi na nga ba at kayong dalawa ang mapipiling representative ng school niyo eh!'' masayang sabi ni Mama habang kumakain kami sa hapag kaharap si Syden.
''Matalino po kasi si Maren, kaya po sure na siya talaga ang makaka-partner ko sa mga academic tournaments.'' sabi ni Syden bago sumubo ng pagkain.
YOU ARE READING
That Poorita Girl
Teen FictionMaren Madriaga is an 18 year old girl who have a gifted brain, Her looks can also slay.. but she lacks on wealth. Her mother is a 'kakanin' vendor and she is ashamed because of that. Everyone thinks that their family is rich because that's what she'...