CHAPTER 16

32 5 0
                                    


Maren's POV.

At first akala ko okay na, akala ko hindi ko na iisipin gabi gabi na may tao akong masasaktan. Hindi pala.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Nakadampi pa ang tinidor na hawak ko sa labi ko habang naka titig kay Syden.

"I'm here to eat, but I prefer to eat with you." Ngumiti pa ito at nag-simula ng kumain.

"Syden, nag-usap na tayo." Pabulong na usal ko. "Umalis ka na, pabalik na sila Hadlee."

"Bakit mo ba ako pinapa-alis?" Kinuha nito ang isang isang fish fillet na nasa plato ko at walang pasabing kinain iyon.

"Syden hindi mo ba naiintindihan? Masasaktan ka lang kapag ipinagpatuloy natin 'to."

"Pero hindi din natin malalaman kung totoo ba 'yang sinasabi mo kung hindi natin ipag-papatuloy." Makahulugang sagot nito.

"Just so you know, Handa akong masaktan.." hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti, "If you're gonna choose him someday, It'll be okay, I will be fine."

Wala nang lumabas na salita sa bibig ko kaya mabilis na binawi ko na lamang ang kamay ko at ipinag patuloy ang pag-kain.

"Don't eat your hair."

Hinawi nito ang buhok ko dahilan ng pag-lingon ko sa kaniya, nasamid ako na dahilan ng agad na pag-abot nito sa akin ng tubig.

"Are you okay?" Hinahagod nito ang likod ko habang naka-alalay sa basong iniinuman ko.

Handa na akong sumagot ng biglang may marinig akong makas na pag-bagsak ng kubyertos sa kabilang lamesa.

"Babe!" Sigaw ni Seven kay Hannah na dahilan ng pagka-gulat ng mga estudyante sa loob ng cafeteria.

"Geez, attention freak." Bulong ni Syden.

"I told you to eat," biglang lumambing ang boses ni Seven at muling kinuha ang kubyetros na ibinagsak sa lamesa.

Sinubuan nito ng pagkain si Hannah at matamis na ngumiti bago itapon ang tingin sa gawi namin ni Syden, hindi ko alam kung nakita ko nga ba siyang paikutin ang mata sa akin bago muling ngumiti kay Hannah.

"Hah! Nakita mo 'yon?" Bulong ko kay Syden, "That creature just rolled his eyes on me." Usal ko pa. Kulang na lang ay pakyuhan ko ito dahil sa inis.

Ano'ng akala niya? maiingit ako kasi nagsusubuan sila doon sa kabilang lamesa? Na maiinggit ako kase ang lambing nila sa isa't isa?

Napasinghap ako ng biglang ilapit ni Syden ang katawan niya sa akin, "Love," masuyong usal nito, nakatalikod ito kina Seven kaya hindi nila makikita ang pag kindat ni Syden sa akin.

Nilapit pang lalo ni Syden ang katawan niya sa akin at walang pasabing isinandig ang noo sa dibdib ko.

Kung ano'ng ikinalaki ng mata ko sa ginawa ni Syden ay doble pa ang laki ng mga singkit na mata ni Seven ng makita ito.

I cleared my throat as I started caressing Syden's hair, "Why? Are you alright?" Pinuno ko ng pag-aalala ang boses at ang bawat haplos ko.

"Love.. I.. I can.." utal utal na sagot nito, nakadukdok pa rin ang noo sa dibdib ko.

"What?"

"I can.. I can feel something soft." Mabilis na umusad ako palayo dahilan ng pagka-hulog ng mukha ni Syden sa hangin.

"B-Bastos ka." Usal ko at mabilis na tumayo upang lumabas ng Cafeteria ngunit agad na hinila na nito ang palapulsuhan ko at mabilis na idinampi ang labi sa labi ko.

"Hannah, lapit." Utos ni Seven kay Hannah. Gusto kong ngumiwi ng makita ko kung paano niya hinalikan si Hannah sa mga labi nito.

Papansin 'to 'no?

Aktong ilalayo na ni Syden ang labi niya sa mga labi ko nang bigla kong hilahin ang necktie niya at muling hinalikan ang mga labi nito.

I was looking at Seven and Hannah while my lips were moving onto Syden's.

Syden cupped my face while low-key pulling himself away pero hindi ko iyon hinayaan.

Kinakapos na rin ako sa hangin pero hindi ako titigil hanggat hindi tumitigil sina Seven. He wanna show off? Go!

Matapos ang ilang minuto ay walang pasabing binitiwan ni Seven ang panga ni Hannah at mabilis na lumakad palabas ng cafeteria.

Agad na inilayo ko rin ang sarili ko kay Syden, "Are you planning to kill me using your soft lips?" Habol ang hiningang tanong nito sa akin.

Hindi ko ito sinagot at mabilis na tinalikuran bitbit ang bag ko,

"A-Ano iyon?" Tanong ni Zariah na halatang kinikilig.

"Oh shit, My eyes!" Takip na matang sabi pa ni Hadlee.

"That's.. nothing." Mabilis na naglakad na ako palabas at nag tungo sa Comfort room.

What the fuck!

Ang daming nakakita!

While staring at my own reflection at the mirror I am low-key cursing myself. I immediately washed my hands including my mouth. I put on some liptint and fixed my soft wavy long hair before going outside, not expecting this annoying creature to stand in front of me.

"Will you please get out of my way?" Pigil ang inis na tanong ko ngunit imbes na lumihis sa daraanan ko ay naglakad lamang ito pahakbang sa akin dahilan ng muling pag-pasok ko sa C.R.

Umalis ang ilang babaeng estudyante na nasa loob oras na tumapak ang mga paa ni Seven sa loob nito.

Walang pasabing pinihit ni Seven ang lock ng pintuan at mabilis na binuhat ako paupo sa sink ng banyo.

"Seven!" Singhal ko.

"Who gave you.. the right to kiss someone in front of me?" Madilim ang mga matang tanong nito habang nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko.

"Y-You have nothing to do with that, This is my life! Not yours!" Sigaw ko, handa nang bumaba sa kinauupuan ko ngunit hinawakan lamang nito ang dalawang kamay ko at mabilis na inilapit ang mukha sa akin.

"Stay away from Syden, break up with him."

"Seven ano ba? Nakipag halikan ka rin naman sa harap ko ah? Pero hindi ako nagalit! Layuan mo nga ako!" Asik ko.

"I am the one you love, right? Tell me." Natigilan ako sa sinabi nito.

"A-Ano.."

"Maren I'm sorry. break up with him, be with me."

Butil ng luha ang nakita kong namumuo sa gilid ng mga mata nito ngunit bago pa man iyon tumulo ay agad na nitong idinampi ang mga labi niya sa akin.

I immediately pushed him away as I slapped his cheek with all of my strength.

"Seven, utang na loob may girlfriend ka na! Ano pa ba'ng gusto mo? 'Wag mo na akong guguluhin! Layuan mo na ako, please lang!" Halos maiyak na sigaw ko sa mukha niya oras na makababa ako sa lababo.

"Maren, I miss you.. I miss you so much."

"Ang gulo mo naman e'! Bakit mo ako niloko!? Tapos ngayon sasabihin mo na namimiss mo ako? Sasabihin mo sa akin na sa'yo na lang ako?" Hindi makapaniwalang singhal ko.

"Putangina, Seven, nakikiusap ako! tama na!"

Mabilis na binuksan ko ang pintuan ng C.R. at agad na lumabas, pinapahiran ang mga butil ng luhang nag uunahan sa pag bagsak.

As I was walking at this wide empty hallway with a gloomy weather, I realized that people will only long for you when they misses your embrace, People will only come to you when they needed your comfort, People will only remember you when you're already trying to forget them.

That Poorita Girl Where stories live. Discover now