CHAPTER 12

41 10 0
                                    

Sydens' POV.

''Hindi mo pa rin sinasabi?! bro, ibang level na ng katorpehan 'yan!'' usal ni Luke at iiling iling na tinatapik ang likod ko. I sighed heavily, should I interfere? Bakit pakiramdam ko ay  wala akong pag-asa kay Maren?

Ngayon ko dapat sasabihin kay Maren pero mag aalas onse na ng gabi ay hindi ko pa rin nasasabi. ''Hoy!'' singhal ko ng makita ko si Luke na pinapaki-alaman ang cellphone ko.

''Why did you text her?!'' asik ko nang makita ang message na isinend niya kay Maren.

To Maren Madriaga;

'kita tayo mamaya sa bridge, may sasabihin akong importante. 10:00. '

basa ko sa text nito na isinend kay Maren,

''You have no choice but to tell her how you feel.'' tinapik nito ang balikat ko bago tumayo sa upuang kahoy na kinauupuan namin at mag tatakbo papunta kay Zariah. I can't believe he left me no choice.

Pumunta ako sa tent namin upang ipahinga ang isip ko. I want a peace of mind, I want to get ready. If I get rejected, then I guess there's no reason for me to fight for her heart. But if she's going to choose me, I promise to do everything, I can make her happy. Isang bagay lang ang nasisigurado ko, I will never make her feel so lost. I will never make her cry.

Marens' POV.

''I still can't believe na sumulat siya ng kanta para sa'yo.'' naka upo kami nina Zariah  sa harap ng bonfire habang nag iihaw ng mallows at kumakain ng mga snacks.

''Feel ko girl ang lucky mo kase He never wrote or compsed a song for someone, pati si Hannah.. hindi niya 'yon nasulatan ng kanta.'' daldal naman ni Hadlee

''Did He ask you out?'' usisa ni Kei, isa sa mga kaklase kong babae.

''Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw pero He texted me earlier na magkita kami mamaya sa kabila ng tulay.'' nakangiting sabi ko, tinatago ang kilig na nararamdaman ko.

''Oh my god! girl, baka tatanungin ka na niya kung pwede manligaw!'' tuwang tuwang hula naman ni Ari.

''What time kayo mag-kikita?'' naka tingin sa wrist watch niya si Hadlee habang kinakalabit ako.

''10:00 PM.'' usal ko

''Bitch! tumayo ka na riyan at 9:48 na!'' tinulak tulak ako nito at maya-maya ay nakitulak na rin si Ari.

''See you later!'' naka ngiting usal ko at sinimulan ng tuntunin ang daan patungo sa tulay.

Paano kung tanungin niya kung puwedeng manligaw? Ano'ng isasagot ko? ''Oo, sinasagot na kita.'' mahinang usal ko.

''Oo, puwede.'' hinila ko ang buhok ko ''Aish! Ang panget!'' sigaw ko ng mapagtanto kung gaano kapanget ang mga linyang binitiwan ko. Nasa gitna na ako ng tulay ng matanaw ko si Seven at si Hannah sa paanan ng tulay.

Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila kaya ng hintay pa ako ng ilang sandali pa, Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-kuha ni Hannah ng bulaklak mula sa kamay ni Seven at ang paglapat ng mga labi nito sa labi ni Seven bago ito tuluyang umalis.

Ilang saglit pang tumulala ro'n si Seven bago mag lakad patungo sa gawi ko, Pansin ko ang pagka-gulat nito nang makita akong nakatayo ro'n. Madilim ang mga mata nito at parang may bahid ng.. sakit?

''Tabi.'' malamig ang tinig nito at seryoso ang mga matang nakatingin sa akin.

''S-Seven..'' usal ko, pinipigilan ang luha. ''May sasabihin ka ba?'' tanong ko, nag-babaka sakali.

''Hindi mo ba nakita? Nagkabalikan na kami ni Hannah.'' sagot nito at nilagpasan ako.

''Gano'n na lang 'yon? Matapos mong iparamdam sa akin na importante ako'y  sasabihin mo sa'kin na kayo na ulit ni Hannah? na parang walang nangyari?'' litanya ko, nagsisimula ng bumagsak ang mga luha.

''Y-You.. You even composed a song for me.'' mahinang sabi ko pa.

''I.. I only did those things because I thought It'll pain my half-brother, but I was wrong.. He doesn't like you.'' usal nito.

bakit...

ang sakit?..

''A-Are you saying that you used me to hurt Syden emotionally? You used.. me?'' hindi makapaniwalang tanong ko.

''Bakit kung kelan hulog na ako, Seven? bakit..'' pinalis ko ang mga luhang walang tigil sa pagdaloy mula sa mga mata kong dumadausos pababa sa pisnge ko.

Dumaan ang gulat sa mga mata ni Seven dahil sa sinabi ko ngunit agad na nag-iwas ito ng tingin, ''T-Tumahan ka na, wala na akong planong makisama pa ulit sa'yo kahit lumuha ka pa ng dugo.'' huling sabi nito bago tumalikod at mag-lakad palayo.

Wala sa sariling napaluhod ako sa malapad na tulay, sapo ang sariling dibdib habang iniiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kaya ayokong mag assume eh, alam kong walang patutunguhan.

''Maren!'' boses ni Syden ang umalingawngaw, kahit na hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya ay alam kong siya iyon dahil sa boses niya. ''Why are you crying? p-pinaiyak ka ba ni Seven? si Seven ba?'' aktong tatakbo na ito pabalik sa direksyon na tinahak ni Seven nang hilahin ko ang dulo ng damit niya.

''Don't g-go.''

Sydens' POV.

''Don't g-go.'' usal ni Maren habang hawak hawak ang ladlaran ng damit ko.

Habang pinag mamasdan ko ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya ay hindi ko mapigilan ang pag-kirot ng puso ko. ''A-Akala ko.. akala ko gusto niya ako. Ginamit lang pala niya ako.'' malakas ang bawat pag-hikbi nito.

''Bakit hindi niya ako gusto? M-Matapos niya akong p-pakiligin..'' pagak at peke itong tumawa. ''Huwag mo itong sasabihin kahit kanino..'' sapo nito ang dibdib niya ''I like him, gustong gusto ko na si Seven.''

Dapat hindi mo na lang rin sinabi sa akin..

''Masyado naman akong naniwala.. akala ko.. akala ko kasi—''

''Shh, It'll be alright.'' niyakap ko ito at marahang hinagod ang buhok niya.

''Syden..'' bakas ang sakit sa pananalita niya, nasasaktan ako.

''Shh..'' pag papatahan ko dito.

''Makakalimutan mo rin siya.'' Usal ko pa habang marahan at maingat na hinahagod ang likuran niya.

Bawat hikbi nito at mabigat, bawat tunog ng pag-iyak nito ay talaga namang para akong winawasak.

Dapat kasi ako na lang.

Dapat kasi hindi ko na lang hinayaan na mapalapit siya kay Seven. Kung una pa lang ay nalaman ko nang ganito lang pala ang gagawin ni Seven sa kaniya ay sana pala una pa lang nilapitan ko na siya at kinilala pa ng lubusan, dapat pala una pa lang kinuha ko na ang loob niya. Dapat pala ako ang nauna.

"I'm sorry, don't cry."

"Hindi ko lang siya gusto Sy, m-mahal ko na si Seven.." puno ng sakit ang mababakas sa boses nito.

"Simula no'ng maging tutor niya ako.. simula noon, nakuha na niya ang loob ko."

"I did everything to keep him closer, I did.. I did everything I can." Hunarap ito sa akinbat agad din na tinakpan ang mukha gamit ang mga palad.

"I did everything I can but still ended up crying."

That Poorita Girl Where stories live. Discover now