CHAPTER 1

120 28 1
                                    

Maren's POV.

Bakit lahat sila'y naka tingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha? Ano'ng mayroon?

Sumusunod lang ako sa adviser ko patungo sa office, masyadong malaki ang Merrit High. Pakiramdam ko ay maliligaw ako.

"Here's your I.D, hija. Hanapin mo na lang 'yung— Syden!"

Nangunot ang noo ko at nilingon ang kung sinu-mang tinawag ng teacher na nasa harapan ko.

"Yes, sir?" usal ng lalaking may katangkaran..

Ito ba 'yung Syden? Ang guwapo!

Bahagya akong lumapit at inamoy ang uniporme niya, hmm.. ang bango.

Kunot noo itong lumingon sa akin at bahagyang lumayo, awkward na ngumiti na lang ako at bahagyang kumaway.

"Iisang classroom lang din naman ang pupuntahan niyo, baka kasi maligaw si Maren kapag walang kasama. May kailangan pa akong asikasuhin sa auditorium kaya ikaw na lang muna ang sumama sa kaniya, Sy." Paliwanag ng teacher namin

"You want me to escort her?"

"Why? Is there any problem—"

"Wala po sir," yumuko ito at nag lakad na palabas

"Ahm, salamat po!" Yumuko din ako at sinundan na si Syden

"Wait lang, Syden! Ouch!" Sapo ang noo ko ng huminto ako sa pag lalakad, tumama ang noo ko sa likuran ni Syden.

"Are you a scholar?" tanong nito

"Hindi! Pero matalino ako, top one ako sa dati kong school." Ngumiti pa ako

"I didn't ask," napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa narinig mula sa bibig niya.

"Guwapo nga ka'y sama naman ng tabas ng dila.."

Ang bait ko kaya!

"Sinabi ko lang, para alam mo." Kulang na lang ay paikutin ko ang mga mata ko

"You won't be able to beat me," muli akong tinalikuran nito upang mag patuloy sa paglalakad

Sinundan ko lamang siya hanggang sa pumasok na siya sa isang classroom.

"Ooh! You must be Maren Madriaga!"

"Hala ang ganda!"

"Dito ka maupo!" Kumaway pa ang isang cute na babae sa akin, hanggang balikat ang buhok niya at may ilang hibla ng bangs ang nakaharang sa noo niya.

"Thank you," ngumiti ako

"Ang ganda mo naman, Are you an honor student too? Bakit ka lumipat ng school?"

"Grabe mukhang ang mamahalin mo, Saang village ka nakatira?"

"Guys isa isa lang, Isa lang si Maren!"

Natawa ako dahil sa kakulitan nila,

"Honor student ako, Top one ako sa dati kong school. Lumipat ako dahil lumipat din kami ng bahay, sa Harper Village ako nakatira ngayon.." sagot ko

Mukha namang manghang mangha sila,

"Harper Village daw, ang yaman mo naman!" Ngumit lang ako at napakamot sa sarili kong batok

"Ano'ng trabaho ng parents mo?" Usisa pa nila

"Uh.. Ano lang, companies ganon. uhm.. clothing brands and such." Sagot ko

"Grabe! Saang bansa ka na naka punta?"

"Hmm.. California, Japan, Europe, Hawaii.. ang dami e, basta!" Pabiro pa akong tumawa

That Poorita Girl Where stories live. Discover now