CHAPTER 9

45 13 0
                                    

Maren's POV.

"Anak mag handa ka na ng mga plato," utos ng nanay ko habang naka-upo ako sa harap ng dining table.

"Opo," naka ngusong usal ko dahil hindi ako maka punta sa dinner namin ni Seven.

Si Mama kasi, dahil kami raw ni Syden ang rank one at two sa klase ay dito na lang raw mag dinner kasama si Syden. Kung hindi sana pumayag si Syden ay makakapunta ako sa dinner namin ni Seven.

"Maren, kung gusto mo ay imbitahin mo si Seven dito." Suhestyon pa ng tatay ko.

"Ho? Huwag na po!" Tanggi ko

"Naku, crush ng anak mo 'yang si Seven." Gatong naman ni Mama.

"Hindi po—"

"Ayos naman si Seven, mabait na bata." Naka ngiting sabi naman ni Papa.

"Papa naman!" Naka ngusong sabi ko bago ibagsak ang sarili sa upuan

Agad na nawindang ako ng tumunog ang doorbell, "Ayan na si Syden!" Masiglang sigaw ni Mama, "buksan mo dalian mo," utos ni Mama kaya wala na akong nagawa kundi sundin ito.

Nag tungo ako sa pintuan at agad na nag tungo sa gate upang pag-buksan siya,

"Pasok ka," sinubukan kong ikalma ang sarili ko. He's wearing a plain white tees at denim pants partnered with his white Gucci Ace.

Messy ang buhok nito at naka tingin ng diretso ang mga mata nito sa akin, "Good Evening—"

"Tara na sa loob," aya ko at nauna ng maglakad papasok. Naupo ako sa tabi ni Mama kaso bigla siyang umalis at doon pinaupo si Syden sa tabi ko.

"Sige kumain ka lang, Syden, anak." Naka ngiting alok ni Mama at siya pa mismo ang nag-sandok ng pagkain sa plato ni Syden.

"Alam mo ba, 'yang si Maren ay may dinner kasama si Seven, sabi ko ay imbitahin na lang rito! Ayaw namang pumayag nitong batang ito!" Madaldal na litanya ni Mama.

"Crush niya 'yon," usal ni Papa

Napa lingon ako kay Seyden na nasamid sa gilid ko, puno ng pagkain ang bibig nito at hawak ang dibdib ng lumingon sa akin.

Inabutan ko ito ng tubig dahil sa takot na baka hindi siya maka-hinga, "A-Ayos ka lang ba?" Tanong ko at hinawakan ang likod niya.

"M-Maanghang po kasi, Na.. Nasamid ako.." usal nito ng ilapag ang baso sa lamesa.

Maanghang, 'yung alin? 'Yung sapsuy? Eh?

Agad na nilingon ko ang mga magulang kong tumatawa, "Ikaw Syden, crush mo ba anak ko—"

"Hindi po! Hindi po talaga, Tito." Mabilis na tanggi ni Syden at ihinarang pa ang kamay sa harap niya.

"Kung mang liligaw ka ay—"

"Papa!" Naka ngusong awat ko.

"Tama na 'yan, kumain na tayo." Awat rin ni Mama at iiling-iling at naka ngiting tumingin sa akin at kay Syden.

***

"Sorry," usal ni Syden habang naka upo kami sa garden.

"Sorry saan?" Tanong ko habang nilalaro ang bermuda na kinauupuan namin.

"Kasi hindi ka naka punta sa date niyo." Sagot nito dahilan ng pag-lingon ko

"Date? Hindi 'yon date, ililibre niya lang ako." Paliwanag ko

"Gano'n din 'yon," natatawang sagot nito

That Poorita Girl Where stories live. Discover now