CHAPTER 24

31 2 1
                                    


Seven's POV.

"Eomma,"  Naka harap ako sa screen ng cellphone habang kausap ang nanay at kapatid ko na ngayon ay nasa Korea na.

"Paki sabi na lang kuya kay Ate Renren na Happy birthday! Sayang kasi at naka-alis na kami!" Stella pouted.

"Sabi niya ay okay lang, Baka sa bakasyon din ay pumunta sila dyan sa Korea. Sasama ako," I smiled.

"Where's Tito?"

"Doing papers," Mahinhing natawa ang nanay ko. "Mag iingat ka mamaya anak ha, sasakyan mo nanaman ang motor mo. Mag-ingat ka."

I nodded before waving them goodbye, sabi ko ay mag hahanda na ako para sa birthday ng prinsesa ko.

Ilang oras pa ang hihintayin pero nakagayak na agad ako, suot ang itim na long sleeves turtleneck na pinatungan ko ng dark blue tuxedo at black slacks ko. Mullet pa rin naman ang gupit ko at  messy ang ginawa kong ayos.

Pinasadahan ko ng tingin ang bouquet ng tulips na ibibigay ko kay Maren. Isa't kalahating oras na lang ay mag sisimula na ang party kaya agad na lumabas na ako ng condo at sumakay agad sa motor ko bitbit ang bulaklak.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng maisipan kong bumili ng karagdagang regalo para sa kaniya. Pumunta ako sa bayan para bilhan siya ng promise ring.

May tala na naka ukit sa gitna ng singsing na iyon, silver lang pero maganda at may dating. Sana magustuhan niya.

Masaya akong nag papatakbo ng motorsiklo, iniisip kung paano ko nakuha ang matamis niyang oo.

She's the most precious thing for me, I can't afford to lose her, I won't let it happened. I am just so thankful na ako ang pinili niya, though alam kong walang choices kase ako talaga.

Swerte ako sa kaniya, aminado naman akong swerte din siya sa akin pero iba ang pagiging swerte ko. She's tough and she's got me mesmerized. Naka ngiti akong nag mamaneho hanggang sa isang itim na kotse ang humarang sa daan ko kaya agad na huminto ako.

Bumaba roon si Hannah, Her eyes are swollen and she couldn't even look me in the eyes.

"What do you want?"

"Seven, Can we talk?" She uttered. Bumaba ako ng motorsiklo at ipinatong ro'n ang mga regalong bitbit ko.

"About what? May pupuntahan ako." 'Di ko batid ang malamig na tonong pinakawalan ko habang nag-lalakad palapit sa kaniya habang naka pamulsa ang dalawang kamay.

She reeked of alcohol, I remained cold.

"Seven, I want you back. Please..." she's begging, she kneels in fornt of me and help both of my hands.

"Hindi nga kita mahal, Hannah." Usal ko at binawi ang mga kamay ko.

"Ayan lang ba ang sasabihin mo? Kase kung oo, aalis na ako." Tumalikod na ako at ilang hakbang pa lang ang nagagawa ay sumigaw na ito.

"I can't let you go, sana alam mo 'yan! You mean so much to me.. Huwag mo naman akong talikuran na lang basta."

"Let me go, kung gusto mo'ng maging masaya just fucking let go. Walang mangyayari sa buhay mo kung saakin mo lang paiikutin ang mundo mo, Hindi kita gusto at wala nang mababago ro'n." Paliwanag ko at muling sumakay sa motorsiklo ko.

Pinaandar kong muli ang motor ko at binuksan ang makina nito, not even looking back at her.

"Kung hindi ako magiging masaya, Hindi ko rin hahayaan na maging masaya siya!" Sigaw nito bago ko tuluyang mapatakbo ang motor palayo.

Maraming puno sa gilid ng kalsadang ito at bihira lang ang dumaraang sasakyan, Hindi ko inasahan na hahabol si Hannah habang mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. She's trying to hit me, What the fuck is she doing? Kada pihit ko ng silinyador ay ganon din ang pagbilis ng takbo niya.

I tried dodging her, pero dahil sa paglingon ko sa sasakyan niyang humahabol sa akin ay hindi ko napansin na paliko pala ang daan.

I bumped into a huge tree of narra, my body went numb. Alam kong sira na rin ang motor ko at ang ilang parte nito ay nakatarak sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.

Nahihilo ako.

Sinusubukan kong abutin ang box ng singsing na dapat ay ibibigay ko kay Maren, Nang mahawakan iyon ay parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Isa isang nag flashback sa isip ko ang masasayang ala ala namin ni Maren mula sa umpisa.

"Maren, Will you be mine?"

"I.. Yes!"

Kung paano ko siya napasagot, kung gaano ko katagal nakitang naka ukit ang ngiti sa mga labi niya noong mga oras na ako ang kasama niya.

Napa ngiti ako, I can also see my future with her. Masaya kami, Masayang masaya. Tumingala ako at nakitang naroon si Hannah at umiiyak, tukop ang kaniyang bibig.

Ni hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. All I can say was 'Maren,' .

Hindi ko namalayan na naisakay ako sa ambulansya, I wanted to take a nap. I wanted to sleep. But I remained wide awake because I am calling her name repeatedly. Naramdaman ko pa ang mainit na likidong pumatak mula sa mga mata ko.

Kung mamamatay ako ngayon, paano ang babaeng mahal ko? Paano ko siya maipag tatanggol kapag kailangan niya ng tulong ko?
Kailangan kong lumaban, kaso hirap na hirap na ako.

Ang hirap huminga.

Wala akong marinig.

Wala akong maramdaman.

Maybe I could sleep? Kahit panandalian lang, kakayanin ko naman sigurong magising ulit. Kakayanin ko para mayakap ko siya ulit. I want her to hear my voice while singing the music that I have composed. I wanted to tell her that she's no alone dahil handa akong samahan siya sa lahat. I wan her to feel at peace when she's with me, Gusto kong maramdaman niya na mahal na mahal ko siya.

"M-Maren..." usal ko sa kawalan. Sandali kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi inaasahang mahuhulog ako sa mundo ng bangungot kung tawagin ng tao.

At last, everything seems dark. Hindi ko alam kung nag dedeliryo ako pero parang may naririnig akong boses.

"Seven, Anak." Ipinihit ko ang ulo ko kaliwa't kanan. Lumiwanag ang paligid at sa likuran ko ay may nakita akong isang lalaking naka puti.

Kamukha ko lang siya ngunit mas matanda ang itsura, Naka ngiti ito at naka buka ang mga bisig. Parang handa nang salubungin ako ng mahigpit na yakap.

"Papa?" Tawag ko rito na agad naman niyang tinanguan.

"Ako nga anak," He smiled, I did too.

Sinalubong ko ang yakap niya at masayang masaya na nakapiling ko na siya.

"Patawarin mo ako at natagalan bago tayo magkasama, Nandito ka na Seven.. malaya ka na. Sigurado ako na ang mga maiiwan mo ay matatagpuan rin ang tunay na kahulugan ng salitang 'saya'. Nasa saiyo pa rin kung sasama ka na o kung mas pipiliin mong mabuhay pa." Usal nito.

"Handa ka na bang sumama sa akin?" Napa isip ako at agad na umatras palayo.

"R-Right now, Papa?" Tumango ito.

"I'm sorry Papa, but I refuse to go with you right now."

That Poorita Girl Where stories live. Discover now