CHAPTER 14

46 10 0
                                    


Maren's POV.

Tapos na ang quiz bee at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa upuang kinauupuan ko. Nandito kami sa Saerim High at isa sa mga school na dumalo ang Myenma High, ang school na pinag mulan ko.

"Hey, chill. You look anxious." Hinawakan ni Syden ang kamay ko.

Mag-sasalita na sana ako ng biglang may lumapag na pares ng maganda at makinis na kamay ng babae sa mesa namin.

"Look who's here," usal ni Kianna, siya siguro ang pumalit sa puwesto ko bilang top 1 kaya siya nandito.

Walang pasabing yumuko na lamang ako at nilaro ang sarili kong daliri. Hindi ko ito matingnan sa mga mata niya.

"Let's go," usal ni Syden at hinila na ako patayo, ngunit alisto si Kianna at agad na hinawakan ang kabilang braso ko.

"Hindi pa kami tapos mag-usap." Matalas at mataray na ani ni Kianna.

"I didn't ask you," usal ni Syden at muli akong hinila ngunit mapilit si Kianna at hinila ako ng mas malakas dahilan ng pag-atras ko.

"Will you let her go or not?" Binitiwan ako ni Syden at nakapamulsang hinarap si Kianna.

"What will you do if  I say I won't?" Naka ngising usal naman nito.

"Do you want to hear something that will hurt you from your head down to your toe?" Syden questioned.

"As if you know something—"

"You're only here because Maren is no longer studying in Myenma, and now you're acting like you are a Goddamn veteran in this field?" Ngumisi pa si Syden at tumingala.

"You're treating her like a garbage without knowing that she is my Queen." Napalingon ako kay Syden na ngayon ay naka ngisi.

"Queen my ass—"

"Ilang contest na ba na utak ang ginagamit ang nasalihan mo? I bet this is your first time, tch." Si Syden na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak sa akin ng tulalang si Kianna.

"What did you say?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"I said, Get the fuck out of our way." Madilim ang mga matang usal ni Syden bago magtangkang mag lakad palayo ngunit agad ring huminto.

"Fluorine, Uranium, Californium, Oxygen, Fluorine and Fluorine."

"W-What the hell are you talking about?" Naguguluhang tanong ni Kianna kay Syden.

Napangisi ako.

"If you're smart enough, you will immediately know that the meaning of those periodic names he mentioned is 'fuck off'. " usal ko at ako na mismo ang humila kay Syden palayo.

"Wala ka pa ring pinag bago! Mahirap ka pa rin, Beggar!" Rinig ko pang sigaw nito

"Walang nag tanong, Kianna!" Sigaw ko pabalik. Nang humarap ako kay Syden ay naka-ngiti ito. "Saya mo naman," bati ko.

Ngunit imbes na sagutin ako ay itinaas lamang nito ang mga kamay naming magka-hawak. Hinihila ko iyon upang magka-hiwalay ngunit hinigpitan lamang niya ang hawak dito.

"Don't," usal niya.

"Thank you for defending me earlier." Usal ko at bahagyang ngumiti.

"Don't mention it. I told you, Nobody can look down on you when you're with me." Naka ngiting sagot nito.

He's more like a friend to me, masyado siyang mabait. Kaya nga hindi ako nagpapakita ng motibo na gusto ko siya, dahil ayokong masaktan ko lang siya sa huli dahil hindi naman siya 'yung laman ng puso ko kun'di 'yung kapatid niya..

That Poorita Girl Where stories live. Discover now