CHAPTER 18

26 5 0
                                    

Maren's POV.

I was crying and sobbing, begging people to help them. The arrival of the ambulance didn't take long, sa ambulansyang kinaroroonan ni Seven ako sumakay dahil ang tatay ni Syden ang sumama kay Syden sa loob ng isa pang ambulansya.

I was just staring at Seven's unconscious body while the nurses were plugging some oxygen on him while checking his vital signs.

I'm mad at Seven for confusing me, but I am now begging for God not to take him away from me.

"Seven," garalgal ang boses ko nang hawakan ko ang kamay niya. He didn't respond, He was just lying down there fighting for his life.

Nang makarating sa ospital ay agad na ibinaba ng mga nurse si Seven at isinakay sa hospital bed na may gulong. Mabilis na tinatahak ang daan patungo sa emergency room.

"Seven, please lumaban ka," pakikiusap ko.

Nang ipapasok na ito sa Emergency Room ay sinubukan ko ring pumasok ngunit agad na pinigilan ako ng mga nurse.

"I'm sorry Ma'am, pero hanggang dito lang po kayo." Sabi ng isang babaeng nurse at aktong isasara na ang pintuan ngunit agad na hinawakan ko ang kamay niya.

"Please save him, huh? Save him." Pagmamaka-awa ko habang lumuluha.

"We'll do our best, Ma'am." Mabilis na sagot nito at agad ng pumasok sa loob.

Wala akong nagawa kun'di ang maupo sa mahabang upuan sa harapan niyon. Sapo ang sariling dibdib at pilit na pinipigilan ang mga luha sa pag-bagsak.

Iniisip kung ano ang dapat na gawin, agad na kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko at agad na tinawagan si Stella.

["Hello? Ate Maren?"]

"Stella— Ang kuya Seven mo.."  hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ng diretso, basag ang boses ko at ang bawat salita ay nasisingitan ng bawat hikbi ko.

["A-Ate, ano? What happened to kuya?.. Eomma!"] Tawag nito sa kanilang ina.

"He got into an.. accident, He's u-unconscious now." Utal na sambit ko.

["What!?"]  Gulat na tanong nito, rinig ko ang pagka-basag ng baso sa kabilang linya.

["Oh my God! We'll be there in an hour! Oh my Gosh!"] Bago pa ako makapag salita ay naputol na ang linya.

Oh dear God, please tell me that this is just a nightmare, wake me up. Get me back to my senses.

I stayed up all night waiting for the Doctor to talk to me,

"Ma'am," tawag nito sa akin oras na lumabas siya ng ER.

"Doc, what happened? Okay na po ba siya, ano— Ano po ang lagay niya?"

"Is he your brother—"

"I'm his girlfriend," nabaling ang atensyon ko kay Hannah na namumugto rin ang mga mata. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. "I'm here now, pwede ka nang umalis. Tsk!" Ismid nito at bahagya akong itinulak bago kausapin ang Doctor.

"He's stable now, nagkaroon lang ng fracture sa left elbow niya at napalakas lang ang pag-tama ng ulo niya— Mabuti na lang at walang internal bleeding na maaaring maka-apekto sa utak niya. He'll wake up within a Day." Pakikinig ko pa.

That Poorita Girl Where stories live. Discover now