Maren's POV.
"Mama, kailangan pa ba mag pa-party? nineteen na po ako, hindi eighteen." Naka ngusong sambit ko habang kumakain kami sa hapag.
"Aba, We should at least give you a fancy birthday celebration." Si Papa ang sumagot.
"Pero—"
"Wala nang pero-pero, eat up. Darating na si Syden." Usal nito at ngumiti.
"Si Syden po? Akala ko po si Seven ang sasama sa akin mag pasukat ng gown?" Naguguluhang tanong ko.
"Syden insisted, Pumayag na lang si Seven since siya naman na ang magiging escort mo sa party mo." Paliwanag naman ni Mama.
We finished eating and I rushed towards my room to change my clothes, Ang bahay na pinapabantayan lang sa amin ni Tita Sydney noon ay bahay na namin ngayon. Papa bought it for our family. May bahay na rin kami sa Bayan, 'yong bahay ng nasira kong lola. May lupa na rin kami sa Colt District at may ilang branch ng kompanya dito sa bansa at maging sa Amerika.
I'm on my white fitted cropped top and a pair of high-waisted khaki pants partnered with a Gucci Ace shoes. I'm also carrying a small black backpack. I kissed my mother's cheek before going outside. I couldn't find Papa everywhere, probably doing papers in his office.
"How's your sleep?" Syden asked while driving.
"It went well. Mamimiss mo ako kaya ka nag insist na sumama sa akin no'?" Natatawang tanong ko.
"Maybe, Next week na alis ko. Ano gusto mong pasalubong?" Ngumiti ito ng nakakaloko, "Just so you know, hindi ako mag s-sponsor sa pang bili niyo ng diapers ng mga magiging anak niyo ni Seven—"
"Oh geez, shut it." Asik ko dahil hindi ko maiwasang isipin ang mga detalye ng sinabi niya. "Will you be streaming again?"
"Probably, Yes. I'll be staying with just my Mom and Dad, I can't make friends easily. YouTube na lang ulit, I'll be streaming again."
"Ang strong mo no'." Komento ko pa habang naka tanaw sa bintana ng sasakyan.
"Of course, I have to."
Nanaig ang katahimikan hanggang sa matapos ang halos trenta minutos na byahe, nag park ito sa isang mall at agad na pinag buksan ako ng pintuan.
We went inside a shop full of gowns and dresses, A lady at her mid 30's greeted us with so much glee.
"Oh Hi, You must be Maren! Naikwento ka sa akin ni Sydney!" Agad na nilingon si Syden ng marinig ang pangalan ng Mom niya, but he just shrugged. "Shall we?"
Iginaya kami nito paikot sa shop, "Ang mamahalin naman dito," bulong ko kay Syden habang naglalakad-lakad.
"You deserve," He commented, not even looking at me. Namimili kasi ng dress.
"You should try this, this suits your skin tone." Usal nito at iniabot sa akin ang isang beige spaghetti strapped na dress, hanggang tuhod ang haba.
"Seven won't—"
"It's your birthday, not his. Okay?" Umikot ang mga mata nito. Wala akong nagawa kun'di bitbitin ang damit.
Habang nag iikot ay bumulong sa akin si Miss Lucy, 'yong magandang babae kanina na sumalubong sa akin.
"Kayo na?" Usisa nito, agad na umiling ako.
"Naku, hindi po! May boyfriend po ako." Bahagya nitong nakagat ang labi niya at halata ang pagka dismaya.
"Eh? Ang sabi ni Sydney ay nililigawan ka niyan. Bakit mo naman binusted? 'Kay guwapong binata."
"Eto po jowa ko," usal ko at ipinakita ang litrato ni Seven sa lock screen ng cellphone ko.
YOU ARE READING
That Poorita Girl
Teen FictionMaren Madriaga is an 18 year old girl who have a gifted brain, Her looks can also slay.. but she lacks on wealth. Her mother is a 'kakanin' vendor and she is ashamed because of that. Everyone thinks that their family is rich because that's what she'...