Maren's POV.
"Ma, saan po kayo pupunta?" Tanong ko nang makitang nakabihis ito at naka-ayos, ganoon rin si Papa.
"May aasikasuhin lamang kami ng Papa mo, anak."
"Mama pero—"
"Kailangan na naming umalis anak, mag- iingat ka dito ha. Babalik kami agad."
"Pinapabantayan kita kay Seven, umayos ka Maren." Bilin pa ni Papa.
"Saan ho ba kasi kayo pupunta?"
"Tinawagan ako ng abogado ng lola mo, sinasabing may iniwan raw sa atin bago pumanaw—"
"Lola?"
"Pasensya ka na anak, mag-usap tayo pag balik namin." Tinapik ni Papa ang balikat ko at mabilis na lumabas ng gate.
Napasinghap na lamang ako bago pumasok na muli sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina upang mag timpla ng kape at kumain ng pancakes.
Nakaka ilang kagat pa lamang ako ng biglang may marinig akong yabag ng mga paang pababa sa hagdan.
"S-Sino 'yan?" Kabadong tanong ko, kinuha ang bread knife at pilit na inilalabas ang tapang habang palabas sa kusina.
"Ahh!"
"Yah!"
Sabay at gulat na sigaw namin ni Syden, nang ibaba ko ang tingin ko sa katawan nito ay napasigaw akong muli.
"Ahhh!" Malakas na sigaw ko bago ituro ang tiyan niyang may anim na pandesal.
"What?!" Singhal nito at hinawakan ang kamay ko, "Do you wanna touch it?" Nanlaki ang mga mata ko sa mga salitang lumabas sa bibig nito.
"Bastos ka ha!" Sigaw ko at pilit binabawi ang kamay ko ngunit huli na ang lahat dahil hinila ako ni Syden palapit, dahilan ng pagkakadikit ko sa basa niyang katawan.
"You half naked jerk! Bitiwan mo nga ako!" Asik ko at pilit na lumayo. Nang nakawala ay agad na tumalikod ako at pinuno ng pancake ang bibig ko bago mag-lakad palayo.
Bakit nandito iyon? Bakit tuwalya lang ang saplot no'n?
Wala sa sariling napalunok na lamang ako bago mag tungo sa kwarto ko. Agad na dumiretso ako sa kama at nag-balot ng kumot.
Ang tigas..
No'ng abs niya!
Diyos ko!
Bakit nandito iyon!?
***
Naka-upo lamang ako sa harap ng hapag habang nilalaro ang sariling daliri, habang si Syden naman ay naka titig ng diretso sa akin habang naka sandig ang likuran sa sandalan ng upuan at magka-krus ang mga bisig sa harap ng dibdib.
He's now wearing a black tees and a pair of grey sweatpants. His hair is messy and he's so handsome there just staring at me.
"Ano ba!?" Singhal ko at ihinampas ang kamay ko sa lamesa.
"What? Aren't you glad? I'm hear with you." Nakangiting sagot nito.
Hindi ko ito pinansin at tumayo na lamang upang kumuha ng tubig sa refrigerator. Nakakainis ang lalaking iyon! Bakit ba siya nandito!?
"Alam mo— Oh!" Napasandal ako sa pintuan ng ref ng pag-harap ko sa likuran ko ay nakatayo na siya ro'n.
Palapit ito ng palapit kaya lumingon ako sa kanan at saka pumikit, Is he going to kiss me? Why my hands aren't cooperating? Come on Maren, push him!
YOU ARE READING
That Poorita Girl
Teen FictionMaren Madriaga is an 18 year old girl who have a gifted brain, Her looks can also slay.. but she lacks on wealth. Her mother is a 'kakanin' vendor and she is ashamed because of that. Everyone thinks that their family is rich because that's what she'...