Marens' POV.''Okay class! maya maya lang ay aalis na tayo, 'yong mga wala pa ay maiwan na!'' sabi ni Sir Espina bago kausaping muli ang mga kapwa niya teacher.
''Hoho! nandito na kami!''
''Seven on the way!''
''Teka! couple shirt si Maren at Syden!'' biglang sigaw ni Zariah, nilingon ko si Syden at nakita kong parehas nga kami ng suot na damit.
White shirt na printed ng Gucci sa gitna. Regalo ito sa akin ng isa sa mga estudyante ng Miyenma High noong doon pa ako nag-aarl at noong mga panahong hindi pa nila alam na mahirap lang ako.
''I'll just change mine—''
''No need, it doesn't really matter.'' ngumiti ako kay Syden.
''Love,'' tawag ni Seven at inakbayan ako.
''Eww! gross! assuming ka Siete!''
''Epal ka sa lovelife ni Maren? umalis ka diyan!'' protesta nila Hadlee, agad na inilabas naman ni Seven ang kwintas na natatago sa loob ng damit niya kanina.
''Holly crap! is that a couple necklace?!''
''Infinity!''
''Are you guys dating?!''
''DISPATCH SPOTTED!!!''
Kaniya-kaniya ng kantiyawan ang mga kaklase namin sa pangunguna ni Zariah, na sinabayan ni Hadlee at Luke. Bigla akong binalot ng hiya at pinamulahan sa mukha.
''We're not dating!!!'' sigaw ko at inalis ang kamay ni Seven na naka-patong sa balikat ko.
''F-Friends lang..'' usal ko pa at yumuko.
''Mag de-date kami niyan, abangan niyo lang.'' sabi ni Seven at hinawi pa ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mga mata niya.
''Aabangan namin 'yan!''
''Pag iyan hindi nangyari hindi ka na namin tatawagin na Campus Prince!''
''Oo nga! Boo!''
***
''Seven, gising na.'' mahina kong tinapik ang pisnge ni Seven upang magising ito. ''We're almost there na.'' sambit ko pa ngunit hindi pa rin ito gumigising. Wala akong magawa kaya siguro napatitig na lamang ako sa maamong mukha nito.
Thick and long eyelashes, pointed nose, pouty lips..
''O-Oh..'' mahinang usal ko ng hilahin ako nito at pasandalin ang ulo sa balikat niya.
''I might melt, to stare is forbidden.'' bulong nito.
''I'm not sta—''
''Shh, sleep some more.''
Hindi ako natulog kagaya ng gusto niya, Naka sandal lamang ang ulo ko sa balikat niya hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin. Isang bundok iyon at sa paanan nito ay may malinis at malawak na kalupaan. Mukha namang maraming mapupuntahan dito.
''Go to your assigned tent and unpack your things.'' usal ni Sir habang naka ngiti.
Dito sa lugar na ito ang mga Senior High at sa ibang lugar naman ang mga nasa mababang grade. I saw Hannah earlier, nginitian ko siya pero hindi naman niya ako pinansin.
''Ren! Tara na sa tent natin.'' aya sa akin ni Hadlee.
''Sure!'' Masiglang sagot ko at handa ng bitbitin ang maleta ko ng bigla iyong buhatin ni Seven.

YOU ARE READING
That Poorita Girl
Teen FictionMaren Madriaga is an 18 year old girl who have a gifted brain, Her looks can also slay.. but she lacks on wealth. Her mother is a 'kakanin' vendor and she is ashamed because of that. Everyone thinks that their family is rich because that's what she'...