Lisa's PoV.
Ring!!!!!!
Tunog ng alarm clock, agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko iyon, syet! late na ako sa trabaho! Huhuhuhu takte hindi naman kasi ako pinatulog nung gwapong halimaw na yon kagabi! Sino ba namang tao ang makakatulog sa nangyari! Ang stupid mo kasi Lisa!
Why did you even kissed him?!
Eh inaakit ako eh! Pero paano ko na haharapin ngayon ang boss ko na ubod ng kagwapuhan pero parang pinag sukluban ng langit at lupa ang ugali, help!
"Lisa! Bangon na, late ka nanaman yan!" rinig kong tawag ni mama sa labas, dali-dali akong pumasok ng banyo, kahit 10 minutes lang, ya know quick bath.
Buti nalang talaga at nakapaghanda na ako kagabi ng maiisusuot, i'm Lisa, independent to akala niyo!
Pagkatapos kong mag bihis ng usual formal attire , naglagay din naman ako ng konting make-up, yung light lang.
Malay niyo diba, biglang maglaway si sir ahihihihi.
Ayan nagiging assuming nanaman ateng niyo, nagmamadali kong isnuot ang 4inch cream heels ko at isinukbit ang black celine purse.
"Anak! Bilis na! Lampas alas-otso na!" tugon ni mama habang kinakatok ang pinto, mukhang mas nagmamadali pa siya saakin.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin si mama na malawak ang ngiti, somethings fishy.
"Ang ganda mo talaga nak! Sige , dun kana sa baba bilis!" wika niya habang tinutulak-tulak pa ako pababa ng hagdan, "S-sandali ma, matatapilok ako, ikaw talaga mama, masyado kang excited!"
Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya kaya kinabahan na ako, sana walang pina-plano tong si mudra naku!
Hindi ko muna siya pinansin at tumungo na pababa, ngunit natigilan ako ng may nakita akong bisita na naka upo sa mahaba naming sofa.
Omy golii gosh!
"S-sehun?" tawag ko, nilingon niya ako at ngumiti, tumayo ito lumapit saakin, medyo nai-iinis ako sakaniya dahil sa nangyari last week sa event, hindi niya ba alam na muntik na akong masisante dahil sa pagsama niya saakin ng walang paalam kay boss, nakakatakot pa naman iyon magalit huhuhuhu.
"Hi Lisa." bati niya habang may pa kaway-kaway pa, aba aba hindi niya ako maloloko sa mga ngiti niya! Hmp!
"Ano po ang ginagawa niyo dito? May appointment po ba kayo kay sir Jeon? I chcheck ko po ba ang-" tumawa ito dahilan para matigil ang sinasabi ko, tinamo ambastos talaga.
"No , uhm i just wanted to give you a ride." anito at pinakita ang susi ng kotse saka ngumiti ng malawak.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay mama na ngayon ay nasa sala na mukha maiihi na sa kilig, naririnig ko pa siyang pasimpleng tumitili, hay naku, pag talaga gwapo ay gora na agad si mama, buti nalang minsab yung mga magnanakaw ay mukhang tuko.

BINABASA MO ANG
My Annoying Secretary! [On-going]
FanfictionLalisa Manoban , isang makulit , masayahin at magandang babae. Na hire bilang sekretarya sa isang kilalang companya. Ang Jeon Company. Ano kaya ang makikitang katangian sakaniya bilang sekretarya ng isang sikat na lalaki?