Lisa's PoV.
Malungkot akong umuwi sa bahay mag-isa, hindi ko man lang naisip na baka may masamang mangyari saakin dahil sa dami ng nilalaman nitong utak ko, madami ba si jungkook teh?
Ewan ko pero napakabigat ng pakiramdam ko dahil sa sinabi niya kanina, tama naman yun diba? Mas mabuti ngang kalimutan ko—namin yung nangyari kagabi, tsk hindi niya ba alam na first kiss ko yon?
Ano nga ba paki non! Pulos trabaho lang naman ang nasa isip non, kanina i-stress pa kung umasta, buti nga napag-isipan kong pagtimplahan siya ng kape aba! Kung ibuhos ko yung sa mukha niya! Ayan! Isinusumbat mo na ngayon Lisa?!
Marahas akong napabuntong-hininga at nagpatuloy sa pagpasok sa bahay, agad kong inihubad ang suot kong flat shoes at pumunta sa sala, inihiga ko ang sarili sa mahabang couch at pumikit.
Ilang minuto lang ang lumipas ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, napamulat ako at nakita si mama ng naghuhubad ng suot nitong sandals , pag-angat niya ng tingin ay nabigla ako sa mukha niya, kapansin-pansin ang mga mugto nitong mata.
Anong nangyari?!
“Ma?” nag-alala kong tawag habang papalapit sakaniya, nabigla siya ng makita ako, hindi ko alam pero medyo nangibabaw ang pagtataka ko, bakit ang lungkot niya?
Hinuhuli ko ang mga tingin niya pero iniiwas niya iyon at itinutuon sa ibang bagay, agad kong hinawakan ang magkabila niyang balikat at iniharap saakin. “Ma? Ayos lang po ba kayo?” nag-aalala kong tanong.
Sandali niya akong tinitigan ngunit nabigla ako ng sunggaban niya akong ng yakap , mahigpit ngunit ramdam kong ang tamlay,
mama.“Na-miss kita anak.” ngaralgal niyang wika , malungkot akong ngumiti, sa nakalipas na araw ay madalas na nasa ospital si mama, ako naman busy sa pagt-trabaho kaya madalang kami magkita sa bahay, minsan sa gabi ko nalang siya makikita pagkukuha ng gamit, pero naiintindihan ko naman kasi para kay kuya naman iyon, nakakamiss rin ang isang yon.
“Na-miss ko rin ho kayo, ma.”
Sandaling namutawi ang katahimikan saamin, sa oras na iyong ay gusto ko muna damdamin ang isang yakap ng aking ina, matagal na rin ng mayakap niya ako ng ganito, nakakamiss.
Agad naman siyang bumitaw saakin at tinitigan ang aking makha, hinaplos niya ang aking pisngi at malungkot na ngumiti, hindi ko mapigilan ang maglungkot din. Siguro nahihirapan na siyang makita si kuya sa hospital.
Kahit naman ako ay ganon din, lalo na ngayon ay nagsisimula nanaman siyang manghina, kahit naman madalang ako bumisita sakaniya ay nakakarating parin ang palagay niya sakin, buti nalang at may contact ako kay Dra. Ramirez.
Pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon? Pagod lang siguro ako?
“Kamusta po si kuya?”
Nakita ko kung pano siya matigilan, may kakaiba talaga. Pero ngumiti ito ngunit hindi parin matatago ang lungkot sa ngiti na iyon.
“Ayos naman siya anak, kaylangan niya lang mag p-pahinga sa........ngayon.”Napunta ang tingin niya sa ibang gawi, kahit nakakapagtaka ay tumango-tango nalang ako na parang nakumbinsi, pero hindi, hindi napapanatag ang loob ko hanggat ganito siya, may hindi siya sinasabi saakin.

BINABASA MO ANG
My Annoying Secretary! [On-going]
Fiksi PenggemarLalisa Manoban , isang makulit , masayahin at magandang babae. Na hire bilang sekretarya sa isang kilalang companya. Ang Jeon Company. Ano kaya ang makikitang katangian sakaniya bilang sekretarya ng isang sikat na lalaki?