nine •

2.9K 67 2
                                    


A/N:
Omygash! Thank you so much guys for supporting this book. Especially sarahcarandang010514 thank you sa pag vote , hope you enjoy. This chapter is for you💕



Lisa's PoV.

"Oh? You're here!"

Lumapit siya saakin sabay yakap , hindi ako makagalaw dahil sa takot at kaba.

Siya ba talaga to?

"Sorry to scare you , practice lang yun hehe peace." Nag peace pa ito na nagpapahiwatig ng sorry.

Okay siya talaga to , nakakatakot yung aura niya ah. Pero bakit ganyan yung suot niya? May pupuntahan ba siyang event?

"Magbihis ka na."

"Huh? Eh saan naman tayo pupunta Jen? Tsaka bakit ganyan yung suot mo?"

"We're going to hell."

What the---?! Kung hindi ko lang talaga kilala si Jennie naku siguro nagpatawag na ako ng pulis. Nakakatakot siya eh , parang kriminal na ewan.

Magandang kriminal hehe.

May ibinigay siya saakin na isang hanger at nakabitay doon ang isang white tube dress at isang box na naglalaman ng silver 3 inch heels.

Wait bakit ba ako yung isasama niya? I mean kaylangan ba?

"Suotin mo na yan , i don't take 'no' as an answer so please just wear it."

Hindi na ako nakapagsalita , oo nga baka magalit eh. Mabait naman si Jennie pero iba talaga yung aura niya ngayon.

"Asan ba yung secretary mo?"
Tanong ko habang sinusuot yung heels na ibinigay niya saakin.

"Oh? Si Mark? Nagpaalam siya kanina sa akin na emergency daw kaya hindi siya makakasama saakin , maypupuntahan ata yun or something urgent. Nagmamadali nga eh."

Ohh ano naman kaya pinagkaka abalahan niya? Hmm?

Napatango nalang ako sakanya , medyo weird kasi yung secretary niya dahil nung nagkakilala kami ni Jen , eh panay tingin siya kay Jennie.

"Are you ready?"

Tumango nalang ako sakanya kahit hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta.

Saan niya ba talaga ako dadalhin? Bakit ganito yung suot ko?

(Time skip)

"We're here." Malamig niyang tugon saakin. Tumigil kami sa isang malaking mansion. Maraming magagarang kotse ang nakapaligid dito sa mansyon , maraming bodyguards na nakapalibot. At mga bisitang nagagandahan , magagarang damit ang suot nila.

Anong event ba toh?

Nagsimula ng maglakad si Jennie kaya sumunod nalang ako sakanya , andaming bisita na ngayon ay papasok palang sa mansyon.

"Wag kang lalayo saakin ah? Baka ako pa pagalitan nung boss mo pag may nangyari sayo." Bulong saakin ni Jennie kaya napatango nalamang ako bilang sagot.

Nang makapasok na kami sa naturang mansion ay agad akong napamangha dahil sa ganda ng loob nito.

Hinanap ng mga mata ko si Jennie at nakita ko itong may kausap. Hindi naman siguro masama kung ililibot ko tong palasyo na ito.

Tinignan ko ulit ang kinaroroonan ni Jennie , busy parin siya sa pakikipagusap dun sa lalaki.

Time to escape

My Annoying Secretary! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon