ten •

2.8K 45 0
                                    


Lisa's PoV.

"Diba sabi ko wag kang lalayo saakin?! Pano kung may nangyari sayong masama? Naku talaga Lisa!" Pag-aalala niya saakin , nandito kami ngayon sa loob ng kotse at handa ng umalis sa event.

Kanina pa ako pinagsesermunan nito , eh paulit-ulit lang naman yung mga sermon niya. Minsan nga ang bilis-bilis pa nung mga sinasabi niya. Nagra-rap na ata to wehehe.

"Opo , di na po mauulit." Natawa nalang ako kaya napatawa na rin siya. Habang siya ay nagmamaneho at ako naman ay nakatingin lang sa labas ay hindi ko maiwasang mapa-isip sa nakita ko kanina.

Andaming tanong na pumapasok sa utak ko , hindi ko maintindihan.

Bakit nandun yung secretary ni Ms. Kim na ang sabi niya ay may emergency siya?

Security ba siya dun?

"Okay ka lang?" Tumingin ako sakanya saka tumango. Ano kaya kung sabihin ko sakanya? Ano kaya ang sasabihin niya? Or kaya naman baka isipin niya na ang weird ko.

"Jennie?"

"Hmm?"

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya o hindi.

"Nevermind hehe."

(Magical Time Skip🔥)

"Samalat sa paghatid saakin Jen! Mag-ingat ka! Bye wuvyu!" Napatawa nalang ito atsaka tuluyan ng umalis.

Pagpasok ko sa bahay ay bumungad saakin si mama na mag-isang kumakain.

"Oh? Anak? San ka galing? Bakit ganyan suot mo?" Wow? Ano to? Boy Abunda?

"Ah sinama lang po ako ni Ms. Kim sa isang event."

Nagmano muna ako sakanya bago tuluyan ng pumunta sa kwarto ko.

Hindi ko nabisita si Kuya Lin ngayon , siguro bukas nalang or sa day off ko.

Nakalimutan ko rin na itanong ito kay mama.


(Morning)

"Good morning Mr. Jeon." Bati ko sakanya habang matamlay na papaupo sa mini swivel chair ko.

Tumingin siya saakin ng nakakapagtaka na mukha habang sinusuri yung mukha ko.

Haluh? May mali ba saakin?

"Are you okay secretary Manoban? You look—uhmm tired." Tanong niya saakin habang patuloy parin akong sinusuri.

"Ah opo pagud lang po kahapon , pero okay lang po ako sir Jeon." Tumango nalang ito bilang sagot kaya nagsimula na akong mag ayus ng mga papeles.

Habang nag-aayos ay isang invitation ang nakita ko sa mail ni sir.

Binuksan ko ito at maiging binasa.

'Good day Mr. Jeon , you are invited to 'Oh' party this 21st of September. Please come and enjoy , thank you.'

"Uhmm sir may naginbita po sainyo sa isang party ng company 'Oh' this Thursday."

Tumingin siya saakin at umasim ang mukha niya.

"The 'Oh' Company invites me? Seriously?" Tumango ako habang nagtataka akong nakatingin sakanya. Magkakilala ba sila? Or magkaaway?

"Well that's first , anong pumasok sa utak niyan at inimbitahan niya ako?" Ngunit napa kibit balikat na din ako. Sino kaya yun? Medyo familiar yung surname. Narinig ko na siya somewhere eh.

My Annoying Secretary! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon