twenty-four •

294 10 0
                                    

Lisa's PoV.

Huminga ako ng malalim at inihiga ang aking ulo sa brasong nakatupi sa harap ko,  sunod-sunod kasi yung tawag na nakukuha ni sir,  ngayon ay nasa meeting ito,  ang hirap din pala maging CEO ano? Pero kung passion mo talaga ay siguro masaya din para sa part ni Jungkook.

Tumingin ako sa mesa niya na madaming pipermahang papers, tinignan ko iyon. Since wala naman akong magawa ay inayos ko lahat, ipinagpatong-patong ko kada clips,  ilang minuto rin ang nakalipas ng malinis ko ang mesa , nice and well arranged. Good job Lisa!


Napangiti ako at bumalik saaking mesa, medyo nakakabagot din pala maging secretary,  ang yaman yaman kasi ni halimaw tapos hindi bumibili ng TV para sa office niya,  duh ano nalang mapaglilibangan ko dito? Hindi kaya manood sa youtube? Ei ubos na yung pang Videos ko huhuhuhu.

Para mailibang ang sarili ay naglibot-libot muna ako sa office, andami na palang awards ng Jeon Company , from the best sellers and up to marketings,  wews halatang masipag talaga si halimaw.



Tumigil ako sa isang mahabang desk kung saan nakahilera ang iba't ibang pictures niya sa ibang bansa, pero mas nakakuha saakin ng atensyon ay iyong picture sa unahan,  tatlo sila magkakapatid? Isang babae at dalawang lalaki,  hindi ko mamukaan ng masyado yung dalawa dahil mga bata pa sila sa litrato,  pero sigurado akong si Jungkook yung sa unahan na naka blue jumper wuhahahaha ang cute!





Pagkatapos kong maglibot ay bumalik ako sa desk at nag surf sa social media , pero biglang nag pop out yung profile ni jennie sa messenger,  may sinend siyang link, para makita ay i click her profile ,pero i regret it.



PUCHA! HINDI AKO NANONOOD NG PORN!



Jennie Kim
fifty shades for you ma fren ;)
good for two daw,  oh mang-aya kana sa boss mo
wuhahaha

Lalisa
hoi ano yan?!
pinagsasabi mo?
isusubong kita sa asawa mo sige ka!

Jennie Kim
he's not my husband lol
duh engaged palang!
but
nyenye! wuhahaha

Lalisa
ano ba ka—




Natigil ako sa pag t-type ng maalala ko yung nangyari kahapon,  i kissed my boss.
shyeteee ka Lisaaa!



Pero teka! Bakit nga ba sinendan ako ni jennie ng ganon? Takte! Alam niya ba yung nangyari saamin?! May scandal na kami ni boss?!



Paano? Baka coincidence lang na nagsend siya ng ganon? Tsaka imposibleng may makakita saamin dahil sa bahay ni jungkook nangyari iyon! Wala naman siyang kasambahay diba?





OMG!!!


Hindi kaya ikwenento ni sir kay jennie?!


Pero bakit niya naman iku-kwento diba? Ano ako sinuswerte? Feeling prinsesa lang ano? UWAAAA nakakalito!


tinignan ko ang screen ng cellphone ng sunod sunod na tumunog iyon , hindi ko napansin na chat ng chat si unnie saakin eh ayon lahat seen huhuhuhu.

My Annoying Secretary! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon