Lisa's PoV.
I can't believe it! Hindi ako makapaniwala! Oh diba may English na tinagalog pa , ano to? Maxine Medina? By the way first day ko ngayon sa trabaho ko. Tulala lang ako sa salamin habang prino-process pa yung nangyari kahapon. Maytrabaho na ako! Pogi boss ko! Maganda ako! Bagay kami! Ay hindi tao kami!
"Lisa! Baba kana dito at mag aalmusal na tayo!" Natigil ako sa mga kalokohan ko ng tawagij ako ni mama sa baba. Hindi pa nila alam dahil surprise! Hehe
Bumaba ako na malalapad yung ngiti , oh diba para akong chuky kulang nalang may hawak ako ng kutsilo pero syempre joke lang."Oh mukhang ang saya mo naman ata nak? Nanalo ka sa lotto?" Natawa nalang ako sa sinabi niya , parang ganun na nga. Kaso nga lang hindi pera nakuha ko. Kundi pogi yiee kenekeleg ake anebe weg keye!
"Huy! Nak ba't ganyan suot mo? Saan ka pupunta?"
"Maytrabaho na ako ma!!!!" Nabigla naman siya sa sinabi ko , ano gusto niyo magalit siya ganon? At dahil sa tuwa ay niyakap niya ako.
"Talaga?! Naku nak! Proud na proud ako sayo! Naku kung nandito lang yung papa mo siguro magpapahanda yun." Nakita ko naman na nalungkot siya , hays oo nga siguro pag andito si papa. May pa ice cream yun. Miss ko na sila ni kuya , hindi ko na rin nabibisita si kuya sa hospital dahil naging busy na ako sa paghahanap ng trabaho. Pero mamaya pupunta ako sa hospital para sabihin sakanya yung maganda kong balita.
"Ma! Ang aga pa para magdrama! Haha kumain na nga tayo at baka ma late ako sa trabaho ko."
"Haha oo nga bilis at kumain na tayo."
[ 8:10 am ]
"Para po manong , eto ho bayad....salamat po." Bumaba ng ako ng tricycle at nagsimula ng maglakad papasok , gusto niyo palabas para maiba naman?
"Good morning po ma'am" maligayang bati saakin nung guard nag bow nalang ako bilang respeto at ngumiti.
As usual pumasok ako sa elevator press number , aandar tapos bukas boom. Labas and pumunta ako sa gilid kung asan yung 'attendance book' para makapag sign. And inilagay ko yung hinlalaki ko dun sa finger print para mag check in. Pagkatapos noon ay dumeretso na ako sa office ni sir. May table ako dun at yun na rin yung place ko para mas madali na raw akong tawagin ni sir. Todo agree naman ako syempre para all day ko makita handsome face ni sir.
Pumasok na ako at bumungad din saakin si sir na ngayon ay busy sa laptop at papeles. Tinignan niya ako saglit at ngumiti bago bumalik sa ginagawa niya. Yiee ngumiti siya!"Good morning Mr. Jeon."
"Morning , by the way no need to be formal just call me Jungkook." And again he smiled , p*ta ang gwapo!! Fafa!
"Ah ne (yes) Mr. Je- este! J-jungkook...." Pumunta na ako sa table ko which is malapit sa door. Glass yung office ni sir kaya makikita mo yung labas. Ang taas pala nitong building! Biruin mo! Nasa 2nd floor kami pero parang nasa ere kana!
BINABASA MO ANG
My Annoying Secretary! [On-going]
Hayran KurguLalisa Manoban , isang makulit , masayahin at magandang babae. Na hire bilang sekretarya sa isang kilalang companya. Ang Jeon Company. Ano kaya ang makikitang katangian sakaniya bilang sekretarya ng isang sikat na lalaki?