Lisa's PoV.
“Lisa” pukaw saakin ng isang boses , agad kong nilingon ito , ganun nalang ang gulat ko ng makita ko si Roseanne na nakatayo sa may counter ng mini kitchen dito sa office , bahagya siyang nakakunot ang noo.
“Ayos ka lang?” tanong niya , mabilis akong tumango at pilit na ngumiti.
Grabe , bakit naman ba kasi ako umaasa dun sa halimaw kong boss?
Talagang assumera lang ang manang niyo na papatulan ako non.Malungkot akong napahangos at yumuko , pinaglaruan ko yung tasang hawak ko , naramdaman ko ang pag tabi saakin ni Rose kaya lumingon ako sakaniya , pinagmamasdan niya ako na tila inaalam ang nasa isip ko.
“Bakit?” natatawa kong tanong , umiling siya saaakin. “Hindi ka marunong magtago ng nararamdam mo Lisa.”
Napatungo ako sa sinabi , mas lalo akong napanguso , eh kung ganon ay alam ni boss na malungkot ako ngayon? Bakit parang hindi naman?
“Talaga?” tumango siya , tuwid akong tumayo at humarap sakaniya. “Bakit? Ano nakikita mo?”
“You're eyes reflects and show how sad you are. Ngumi-ngiti kaman ay kitang-kita parin sa mga mata mo na malungkot ka.” anito , namangha ako. Hindi ako marunong magbasa ng emosyon sa mga mata pero marunong ako makiramdam.
Malungkot akong ngumiti sakanya , pero naisip ko na wala namang kwenta dahil alam niya na hindi ako masaya.
“Rose? Masama bang umasa?” hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob itanong iyon sakaniya gayon parang kahapon lang ulit kami nagkita.
“Siguro , pero walang masama kung aasa ka sa taong alam mong kaya mo makuha at kaya kang panindigan. Pero kung aasa ka sa wala , mas masasaktan ka kung ipagpapatuloy mo.” mahabang sambit niya , napatango-tango ako , hindi ko alam pero noon itinatanggi ko na siguro na g-gwapuhan lang ako kay sir at syepmre sikat siya na tao at maimpluwensya pero habang tumatagal ay naramdaman ko na gusto ko siya hindi lang dahil gwapo at sikat siya , nagising nalang ako isang araw na siya na ang tinitibok nitong puso ko.
“Eh yung pagmamahal? Mahirap din ba?”
“Alam mo Lisa , hindi mahirap magmahal sa taong alam mong kayang suklian ang pagmamahal mo , yung kaya kang ipaglaban sa kahit ano mang pagsubok na daraanan niyo. Love is unknown Lisa , but heart can testify who you love is , kung siya nga ang itinitibok niyan....” turo niya sa dibdib ko , napatingin din ako doon. “....then make sure to secure it dahil sa oras na mahanap mo siya , you'll build walls just to make it more secure and tough.” madamdamin niya tugon , napahawak ako sa puso ko na mabilis na tumitibok.
“P-pano kung one-sided?”
“Then prove it to whoever that man is how you love him , ipakita mo na mahal mo siya , iparamdam mo sakaniya.” kumuha siya ng bangko at umupo roon katapat ko. Sumimsim siya sa kape na hawak niya pinagmasdan ang reaction ko.
“Paano m-mo malalaman kung.......m-mahal mo ang isang t-tao.”
Nabigla ako nung maibuga niya yung kape sa harap ko , dali-dali akong lumapit sakaniya at inabot ang tissue sa counter para bigyan siya. Tinulungan ko siyang punasan ang bibig niya habang siya naman ay nakatanga lang saakin at hindi alam kung ano ang gagawin.
Mapait ata natimpla niya?
“Dahan-dahan naman kasi sa pag iinom.” tugon ko , ngumiwi siya saakin.
Nang matapos kong punasan siya ay tumuwid ulit ako ng tayo.
BINABASA MO ANG
My Annoying Secretary! [On-going]
FanficLalisa Manoban , isang makulit , masayahin at magandang babae. Na hire bilang sekretarya sa isang kilalang companya. Ang Jeon Company. Ano kaya ang makikitang katangian sakaniya bilang sekretarya ng isang sikat na lalaki?