Jennie's PoV."Pst! Lis!" Tawag ko sakanya habang papalapit.
"Oh! Jennie! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Malamang kakain" Pranka ko pero natawa nalang ito.
"Halika libre kita."
"Wehh?"
"Ayaw mo?"
"Sige Sige gusto ko nung special tapa nila tapos lemon ice tea , salamatsss!"
Ako na naghanap ng upuan para saamin , at ng makahanap ako ay agad akong naghintay na matapos yung inoorder niya.
Maya't maya pa ay dumating siya na may kasamang waiter na dala-dala yung tray ko at siya naman ay dala niya yung tray ng pagkain niya.
Umupo siya sa harap ko at inilapag naman nung waiter yung pagkain ko.
"Wowww ako pa talaga pinadala ng pagkain niya." Wika niya pero hindi ko nalang ito pinansin.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapaisip.
Bakit nabanggit ni Mark yung pangalan ni Lisa kanina sa phone call?
'Earlier'
"Ma'am nag agree na po si Sir Jeon sa pag collage ng company nila ni Mr. Oh."
Tumango nalang ako habang may inaayos na papeles pero ramdam ko yung titig niya saakin.Hindi ko alam kung bakit araw-araw ay ganyan siya makatitig saakin. Wala naman atang mali sa mukha ko diba?
Tinignan ko ito habang nakataas yung isa kong kilay.
"Hinihintay ko po yung sagot niyo." Wika niya habang nakangiti.
"That's nice" sagot ko kaya napatango nalang ito.
Maya't maya pa ay bigla nalang tumunog yung phone niya kaya naman nag excuse muna siya saakin habang ako naman ay tango nalang ang naitugon ko sakanya.
Inayos ko muna yung papers na ipapadala sa kabilang kompanya at papasok na sana ako sa room ng IJP ng marinig ko ang boses ni Mark kaya hindi muna ako pumasok.
"Ang alam ko po oo.....hindi po....pero pumayag na po ito , si Lisa ata po."

BINABASA MO ANG
My Annoying Secretary! [On-going]
FanfictionLalisa Manoban , isang makulit , masayahin at magandang babae. Na hire bilang sekretarya sa isang kilalang companya. Ang Jeon Company. Ano kaya ang makikitang katangian sakaniya bilang sekretarya ng isang sikat na lalaki?