twenty-seven •

377 13 6
                                    



Lisa's PoV.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina, umalis ako sa bahay na wala na si mama, may iniwan siyang sulat na maaga siyang umalis dahil kaylangan niya pang asikasuhin si kuya,  napag-isipan ko na bibisitahin ko siya mamaya, ang kaso...




Nahihiya akong magpaalam sakaniya!





“Argh!!” marahas kong iginulo ang basa-basa ko pang buhok,  hindi ko alam pero naiinis ako sakaniya,  hindi ko naman to nararamdaman dati,  palagi nga akong masaya kapag nakikita ko yung gwapo niyang mukha.






Pano ko makakalimutan yung nangyari—




“Anong!?— Walang nangyari sainyo Lisa!!” kausap ko saaking sarili,  inis akong naglakad patawid sa pedestrian. Kagabi nahirapan ako matulog,  check ng check sa cellphone tapos kakausapin ang sarili , ng makatulog naman ay andun nanaman siya sa panaginip ko , feeling ko nga nababaliw na ako!







Pagpasok ko sa building ay maligaya akong binati ng guards at employees na nakakasalamuha ako,  medyo nabawasan yung bad mood ko,  matamis na ngiti ang isinusukli ko sa kanila,  hmm ang sarap sa pakiramdam na maging sekretarya ng isang Jeon Jungkook! Feeling reyna!






Pumasok ako sa elevator, may dalawang lalaki at isang babae pa ang nasa loob,  ng tumigil ang elevator sa second floor ay nabigla ako ng pumasok si Roseanne.




“Good morning!” maligayang bati ko sakaniya,  masaya siyang kumaway saakin at nakipagkwentuhan,  madali lang yun kasi bumukas agad ang elevator kaya kaylangan ko ng lumabas , papunta kasi siya sa ground floor.



Paglabas ko ay bumungad saakin ang team C,  kakaunti pa lang ang nandoon, hindi pa nagsisimula ang iba,  yung iba nga nag c-cellphone pa , yung iba busy sa pakikipag-chika at yung iba naman ay todo sa pagpapaganda.






Hindi ko iyon pinansin,  tinanaw ko ang pinto ni unnie Jennie , hindi na rin nag-text yung fiancee niya kagabi saakin,  nakauwi na kaya siya?






Eh sa palagay ko naman ay oo kasi hindi na nga nangulit si Taehyung kagabi, nakatulog na rin kasi ako,  ang usapan namin kahapon ni unnie ay maguusap kami after work,  nakalimutan ko rin dahil napagod ako tsaka nakakainis yung boss ko na kulang nalang magwala sa dami at busy niya , tsk! natatandaan ko tuloy yung lukot na mukha niya.






Ng may dumaan na employee sa harap ko ay agad ko itong kinalabit,  nabigla pa siya,  isang pandak na babae,  nakasalamin at medyo mataba,  kulot yung buhok.
Nagtataka niya akong tinignan , humarap siya saakin. “Ah Ms. Manoban,  ano ho yon?” nakangiti niyang tanong.



Wew? Famous na ako? Ahihi!





“Hi, uhm nasa team ka ni Ms. Kim diba?”


“Ah opo,  bakit po?”


“Pwede ko bang malaman kung nandyan na siya?”



Bumuntong-hininga siya atsaka nagtatakang tumingin sa pinto ng office ni Jennie,  uh okay?





“Yun na nga ho eh,  first time pong ma-late ni Ms. Kim.”


Kapagkuwan tumingin ulit siya saakin at ngumiti.
“Ah so wala pa siya?”




“Wala pa po,  bakit niyo po pala natanong?”


My Annoying Secretary! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon