three •

3.6K 74 9
                                    

Lisa's PoV.

Takbo lang ako ng takbo dito sa hospital , nilipat daw kasi si kuya sa isang room dahil nasira yung aircon sa room niya. Wala pa namang nurse na nakabantay dun sa may desk. Hindi ako makapag-antay pake niyo ba!

Ano bang klaseng hospital toh? Sira sira na nga yung mga kagamitan nila , wala pang tao sa desk para mag-bantay. Para ako ditong baliw na nagsisitakbo sa wala. Haist! Buti pa bumalik ako dun at maghihintay ng nurse na pwedeng pagtanungan.

Agad akong bumalik sa desk kung saan malapit yung entrance. Mag aantay ba ako dito na parang tanga? Naku naku!! pagnakita ko talaga yang nurse na yan , hindi na ako magdadalawang isip na kalbuhin siya!

Maya't maya pa ay may isang lalaki ang nagbabantay na ngayon sa desk. Aba aba!! Tignan mo na nga naman napakamalas ko ngayon dahil panot pa toh!

Lumapit ako dun at nagsimulang magdada. Masasayang laway ko ngayon "Hoy! Kanina pa ako nag-aantay dito at wala man lang nagbabantay sa desk niyo! Palpak na palpak nga tong hospital niyo! Saan niyo nilipat ng room ang kuya ko!!" Sigaw ko sakanya , nagulat naman siya sa inasta ko. Sino ba namang hindi , konti nalang talaga puputok na yung baga ko dahil sakanya.

"H-huminahon ho kayo miss , naglabs lan---"

"Wala akong pake! Kung ano man ang pinagagawa mo! Dahil hindi ko trabaho ang malaman yan! Hindi ako si SOCO! At isa pa hindi ko naman inaalam kung anong ginagawa mo! Wala akong pake kung makipagsex kaman jan oh ano! Asan ang kuya kong si Guanlin Manoban!" Medyo nataranta siya at agad nagtype , muli siyang nagsalita. "Nasa room 203 p-po siya ma'am."

Hay buti nalang tumabla sakanya yung galit ko , ang cool ko talaga
^___^.

Isa pa!

"Sasusunod na mauulit to! Sisiguruhin ko na matatanggal ka sa trabaho mo! Pasalamat kang panot ka dahil wala akong ganang patubuin yang pagkakalbo mo, makaalis na nga ka high blood ka!" Nang saganun ay umalis na ako doon.
Ang galing kong umakting no? Hihihi nakikita ko lang iyan sa mga palabas ^___^.

Hinanap agad ng mga mata ko ang room number 203. Ang layo naman kasi! Wala pa naman akong ganang maging Dora the explorer ngayon *pout*.

Pagkarating ko sa room 203 ay agad ko itong binkusan at bumangad din saakin si kuya na kumakain ng apple. Namoto ang damot , hindi manlang ako hinintay dumating.

"Oh? Bunso? Saan ka galing? At ganyan suot mo?" Tanong niya habang pinagmamasdan suot ko. Namoto!

My Annoying Secretary! [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon